August 9, 2009 -Sunday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
COUNTER STRIKE SUMINGIL NG BUHAY
Ni Juliet de Loza
 

Naging makatotohanan ang karahasan sa likod ng larong counter-strike matapos na saksakin hanggang sa mapatay ang isang 30-anyos na lalaki ng kanyang kapustahan sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Wala nang buhay ng dumating sa Tondo General Hospital ang biktimang kinilalang si Dennis Reyes, walang trabaho ng 723 S. Trinidad St., Tondo, Maynila bunga ng mga tinamong saksak sa dibdib at sa likod.

Nadakip naman ang suspek na kinilalang si Ruby Jann Josue, 21-anyos, barangay tanod ng 663 Villa Fojas St., Tondo.

Pinaghahanap naman ang dalawa pang suspek na sina Jayson Doria, ng 2292 Lakandula Extension, Tondo, Maynila at Paulo Estopace, ng 2240 Leyte St., Gagalangin, Tondo.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Richard Lumbad ng Manila Police District-Homicide Section, ala-1:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa harap ng Baliwag Chicken House na nasa panulukan ng Juan Luna at H. Lopez Boulevard Tondo.

Nabatid na natalo ng grupo ng suspek ang grupo ng biktima sa pustahan sa larong counter-strike sa isang computer shop at pasigaw umanong nagbayad ang biktima na nauwi sa pagtatalo.

Nakita umanong nagsisigawan ang biktima at si Doria hanggang sa magdesisyong umuwi ang una upang nagtawag ng mga kasamahan.
Subalit hindi pa man nakakalayo ang biktima ay pinagtulungan itong bugbugin ng grupo ng suspek habang dalawa sa suspek ang sumaksak sa biktima na naging dahilan upang duguang itong bumulagta.


 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES