Cyber Prayer

Hardliner

Itanong mo kay Dok


 

PUBLIC SERVICE

Drug-resistant tuberculosis


Kamakailan lamang, nabulabog ang mga pasahero ng isang eroplanong papunta sa United States noong malaman nila na isa sa kanila ay mayroong sakit na drug-resistant Tuberculosis. Kinabahan sila na baka mahawa sila. Itong drug-resistant Tuberculosis ay dumarami na sa mundo lalo na sa China, Mongolia at dito sa Pilipinas. Ang mga mikrobyong nagdudulot ng Tuberculosis na ito ay hindi na tinatalaban ng mga gamot laban sa TB na ginagamit ngayon. Nagbabala ang World Health Organization na kailangang makadiskubre na ng gamot na panglaban dito sapagkat dadami ng dadami ang mga kaso nito sa buong mundo. Madaling magkahawaan ang mga tao ng drug-resistant Tuberculosis gaya ng ordinaryong Tuberculosis. Sabi ni Dr. Shigeru Omi, ang director ng WHO para sa Western Pacific na isang kaso lamang ng XDR-TB (Extensively Drug-Resistant Tuberculosis) ay nakaka-alarma na sa pagkalat nito. Isang uri ng mikrobyong Tuberculosis na drug-resistant ay ‘yung mikrobyo na galing sa pasyenteng hindi nabigyan ng wasto o tamang gamot kaya’t lumakas at nagkaroon ng resistensya ang mikrobyo. Sabi ni Dr. Omi na kailangang ang $2 bilyon upang makontrol ang Tuberculosis sa Western Pacific region at $200 milyon dito ay para sa drug-resistant Tuberculosis.

* * *

Matagal nang inaaakala ng mga doctor na ang hindi tamang paggamit ng antibiotics ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng drug-resistant micro-organisms. Isang bagong pagsusuri na ginawa sa Belgium at sa Netherlands ay nagdulot ng katibayan na totoo ito. Si Surbhi Malhotra-Kumar at isang grupo ng microbiologists ay nagbigay ng dalawang macrolide antibiotics-clarithromycin at azithromycin - na madalas ipinanggagamot sa bronchitis at iba pang infection sa baga sa dalawang grupo ng 74 tao. Isang gamot para sa isang grupo ang ibinigay. Ang mga taong binigyan ng gamot ay walang sakit. Gusto lamang makita kung ano ang epekto ng mga antibiotic sa mikrobyong Streptococcus na di-nakakapinsala at normal na naninirahan sa bibig at sa lalamunan ng tao. Kitang-kita na ang mga mikrobyo ay nag-iba ng uri at naging resistant sa mga antibiotic na ibinigay. Sabi ni Stephanie Dancer, isang microbiologists sa Southern General Hospital sa Glasgrow, Scotland na kailangan ay tama at wasto ang paggamit ng mga antibiotics. Itigil din daw ang pagbili ng antibiotics ng walang reseta. Ito ay isinulat sa Lancet Journal.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top