Honorable Senator,
Maraming salamat po sa column ninyo at marami kaming napupulot na aral sa mga isyung sinusulat ninyo. Ako ay nagtratrabaho rito sa Saudi Arabia for almost 10 years at patuloy na nagbabayad voluntarily sa SSS as OFW, na tig-1,144.00 pesos kada buwan.
May katanungan lang ako tungkol sa beneficiary ng SSS. Ako ay 35 years old at binata pa. Ang kasalukuyan kong beneficiary sa SSS ay iyong (1) mother ko at (2) iyong youngest brother ko. At this point, I realized na may SSS naman pala iyong father ko at ang magiging beneficiary nito ay iyong mother ko. Now I intend to change my SSS beneficiary from my mother to my youngest brother. My brother is, I think, 23 or 24 years old now, working in a Foam company in Mandauae City, Cebu. He is hearing impaired (he could hardly hear and speak, though not deaf, mute) at maliit lang din ang sweldo. Since binata nga ako, ang kapatid ko ang naisip kong dapat maging beneficiary ko dahil sa kalagayan niya.
Ang katanungan ko po:
1. Since binata pa ako, walang asawa and in case may mangyari sa akin, iyong kapatid ko ba ay siyang tatanggap lahat ng benepisyo na dapat makuha para sa akin? Since wala akong immediate family, makakatanggap ba ng monthly pension ang kapatid ko bilang 1st beneficiary ko (o hindi kaya lump sum)? Almost P120 monthly contribution na ang naihulog ko sa SSS. Kasi kung may asawa ako, automatic iyong misis ko tatanggap ng monthly pension + iyong mga anak under 21 years old but since I’m still single, mapupunta ba itong privilege na ito sa kapatid ko considering na siya iyong 1st beneficiary ko, despite na he is more than 21 years old? Otherwise, kung hindi pwede, sayang naman iyong contribution ko kung walang makikinabang sa family gayong wala akong asawa.
Please advise me in this regard. Malaking tulong din kasi ito sa kapatid ko kung sakali. Gusto nga ng kapatid kong mag-abroad din dahil sa liit ng kinikita sa ‘Pinas, maliban pa sa madaming deductions. At gustuhin ko mang tulungan siyang papuntahin dito, imposible pa sa ngayon dahil na rin sa kalagayan niya.
Maraming salamat po Senator sa lahat ng tulong niyo.
Gumagalang,
Ivan Redman
Dear Redman,
Ayon sa batas, sa pagkamatay ng isang empleyado na nagbayad ng hindi bababa sa 36 buwanang kontribusyon bago anim (6) na buwan bago ng kanyang pagkamatay, ang kanyang mga “primary beneficiaries” ay magkakaroon ng karapatan sa buwanang pension. Kung wala siyang “primary beneficiaries” ang kanyang “secondary beneficiaries” ay may karapatan na makakuha ng benepisyo na isang bigayan na katumbas ng 36 na buwanang pension.
Kung hindi nakapagbayad ng 36 na buwanang kontribusyon ang miyembro, ang kanyang mga beneficiaries ay makatatanggap ng isang bigayang benepisyo na katumbas ng bilang ng kanyang buwanang kontribusyon o 12 beses ng kanyang kontribusyon, kung alin man ang mas mataas.
Ayon sa batas ang “benefits” ng isang miyembro ng SSS ay ang mga sumusunod:
1. “Primary beneficiaries”
a. asawa na umaasa ng suporta hangga’t siya ay hindi pa nagpapakasal muli;
b. lehitimo, legitimated, legal na inampon na anak, at ilehitimong anak;
2. “Secondary beneficiaries” (‘yung walang mga “primary beneficiaries”)
a. Ang mga dependiyenteng magulang ang siyang tatayo bilang mga “secondary beneficiaries.”
3. Kung wala ang lahat ng nasabi sa itaas, ang magiging “beneficiary” ng miyembro ay ang sino mang italaga ng empleyado bilang “beneficiary.”
Dahil sa 120 na buwanang kontribusyon na ang iyong binabayaran, malinaw sa batas na may karapatang makakuha ng mga benepisyon ang iyong mga beneficiaries. Subalit malinaw din sa batas na hindi maaaring maging beneficiary mo ang iyong kapatid dahil, sa pagkawala ng “primary beneficiaries” ang iyong mga magulang dapat ang tatayong bilang “secondary beneficiaries” mo. Maaari lamang maging beneficiary ang iyong kapatid kung wala ang iyong mga magulang. Hindi maaaring ilipat ang karapatan sa benepisyo sa iba maliban sa mga nakatala sa batas.
Maraming salamat
Sumasainyo,
Senator Francis ‘Chiz’ Escudero
Ilakip ang inyong pangalan at address sa inyong ipadadalang mga katanungan at mga suhestyon. Maaari kayong magpadala ng liham sa tanggapan ng pahayagang ito sa No. 167 Liberty Bldg., Roberto Oca St., Port Area, Manila o e-mail sa chizescudero2007@yahoo.com