Aug. 21, 2008 - Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
SPORTS NEWS


Diyaskeng panatiko ng Kings
Malou Aquino
 
Grabe, wala akong masabi sa mga followers ng Barangay Ginebra San Miguel sa Philippine Basketball Association.
Alas-otso pa lamang ng umaga kasi kahapon, aba’y mga nakapila na sa Araneta Coliseum o Big Dome sa Quezon City at sa iba pang mga outlet ng ticketnets. Nagbabakasakaling makakuha pa sila ng tickets para sa Game 7 kagabi.
Naabutan man ng ulan ang karamihan ay mga hindi pa rin ng umalis ng pila makakuha lamang tickets at masaksi­han ang pagtsa-champion ng paboritong nilang koponan.
Maagang nagpapasok sa Araneta sa pagbibigay ng go signal ng PBA para hindi na mabasa ang fans na nakabili ng tickets. Kung sa nakaraang Game 6 nakapagtala ng record P2.5 million tickets sales, how much more sa last game kagabi?
Poibleng umabot ang benta siguro sa P3M?
Iba talaga ang Ginebra kapag pumasok sa finals, kumikita ang marami.
***
Naitsika naman sa akin sa tanggapan ng PBA, na isang fan ng Brgy. Ginebra ang nagpanggap na team owner ng Red Bull Energy Drink na si Mr. George Chua.
Kesyo ang drama ng mamang taga-Tondo, Manila ay umorder siya ng anim na tickets sa Lower box. Bilin umano ni Mr. Chua na ang pi-pick-up ng ticket ay si... hindi ko na po babanggitin ang pangalan ng fan, alang-alang na rin po sa kahihiyan ng kanyang pamilya at kung sakaling may anak eh hindi na ito tuksuhin pa ng mga classmate niya kapag nabasa ang column na ito.
After lunch, tumungo si Ginebra fan na kukunin ang order na ticket, wala siyang kamalay-malay na nabuking ang kanyang gimik ng PBA media bureau. Ayon kay fan, “desperate move” niya ito mapanood lang ang championship game ng Ginebra at Air21.
Nakakaawa naman si fan, kasi ginawa niya ang lahat para lang makapanood ng final game. Siguro, sa awa ng Media Bureau, pinagbilhan siya ng tickets na apat sa upper box A.
Pero sana naman, kung talagang gustong makabili ng tickets, ito lang ang tips ko. Pagdating ng championship game, puwede nang bumili nang maaga kahit pa semifinals pa lamang ang laban. Magtungo lang sa ticketnets at magtanung-tanong kayo kung puwede nang bumili para hindi na gumimik pa. Kasi walang nagtatagum­pay sa mga ganitong diskarte.
Ibig sabihin, matinding follower na ito ng Kings na gagawin ang lahat makapanood lamang kahit na mapahiya pa siya.
***
Nagsimula na palang mag-ensayo ang Talk ‘N Text noong Agosto 5 sa Sports Kamp sa Taguig City kung saan regular sila doon. Naghahanda ang team para sa tune-up game sa Italy sa Setyembre. Nakatakdang umalis ang Phonepals sa Sept. 14. After ng exhibition game, magkakaroon ng basketball training camp ang team.
***
Halos lahat pala ng manlalaro ng Ginebra ay pawang paso na ang mga kotnrata. Kasama na ang magkaibigang Jayjay Helterbrand at Mark Caguioa. Gayundin sina Willy Wilson, Victor Pablo, Rodney Santos, Johnny Abarrientos, Sunday Salvacion, Paul Artadi at Macky Escalona.
Bukod tanging si Ronald Tubid ang siyang may live contract na kapipirma pa lamang ng isang taong kontrata. Tsika sa Inbound, sina Helterbrand at Caguioa ay nakapirma na rin.
***
Pahabol: Maligayang kaarawan sa mga nagdiwang na at mga magdiriwang pa lamang sa buwan ng Agosto. Sila ay sina Hermel Habaña (August 8), Zandro D. Cruz at Remegio Pero (August 10), Manuel Marcelo (August 20), Pacifico Bacamante (August 25) at Crispin Llanes, Jr. (August 27).

 


Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES