|
SANDAMUKAL na morning shows ng ABS-CBN ang kinabog ng SiS (GMA 7) nina Janice & Gelli de Belen at Carmina Villarroel.
Pero inilampaso ito nang bonggang-bongga ng Showtime.
Sumadsad sa ratings ang SiS at tinigok.
Kabog lahat ng tumapat sa Showtime, mula sa kalunus-lunos na Disease It ba ‘yon? Deceased It? O Diz is Shit?
Unkabogable daw ang Showtime.
At simula ngayong Lunes, makikipagkabugan ang Showtime sa unkabogable noontime show na Eat Bulaga.
Magkakaalaman na kung aling programa ang tunay na unkabogable.
Sa engrandeng pakulo ng Showtime, ang jackpot prize ay P500,000.
Pangungunahan ni Vice Ganda ang videoke segment.
“Hindi ito ang kinagawian nilang Showtime na napanood nila sa nakalipas na dalawang taon,” sambit ni Vice Ganda.
Ibibida nina Anne Curtis at Karylle ang mga bagong tugtugin, outfit at biro.
Babalik ang ‘Arte Mo!’ segment nina Anne at Vhong Navarro.
May pinaghandaan ding karakter sina Vhong at Billy Crawford.
“Hindi kami nandito para makipagkumpitensya. Nandito kami para pasayahin ang madlang people!” hirit ni Anne.
Andiyan pa rin ang talent element ng Showtime, at kasama pa rin diyan sina Kuya Kim, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Jhong Hilario, Coleen Garcia at Ryan Bang.
Bang! Bang! Bang!!!
***
Napatalsik na si Maey Bautista sa Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown ng GMA 7.
Kasama na niya sa Jury House sina Chuckie Dreyfus, Arthur Solinap, John Odulio, Gino de la Peña at Arnold Aninion.
Pasok na si Mara Yokohama sa Final 3.
Mapapanood ngayong gabi ang huling Tribal Council.
Sino kaya kina KC Montero, Stef Prescott at Betong Sumaya ang matatanggal?
Sa Biyernes ang live finale ng Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown. |