January 03, 2011 Monday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
   
SEARCH Abante-Tonite
   
    HEADLINES
   
   
   
   
   
    FEATURES FEATURES
    Follow us on Facebook
    Follow us on Twitter
   
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
   
   
Abante Online
 
CRIME NEWS
 
Binatilyo binoga ng siga
(Juliet de Loza)
 

Nasawi ang isang 17-anyos na binatilyo makaraang barilin ng isang grupo ng kalalakihang tambay sa isang basketball court kamakalawa ng hapon sa Pandacan, Maynila.
Kinilala ni Chief Ins­pector Armand Macaraeg ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktimang si Smith Dominique Meren, ng No. 1534 Interior 32, Canonigo St., Paco, Maynila.
Pinaghahanap pa nga­yon ang suspek na sina­sabing nagsisiga-sigaan sa lugar na nakilala lamang sa alyas na “Pogi” at mga kasabwat nito matapos tumakas.
Naganap ang krimen dakong alas-singko ng hapon sa isang basketball court na nasa Riverside sa Kahilum St., na sakop ng Barangay 872 Zone 75 District 5, Quirino Avenue, Pandacan.
Nabatid na ang biktima at mga kaibigan nito ay nagtungo sa Kahilum I upang maglaro ng basketball su­balit lingid sa kanilang kaa­laman sinusundan pala sila ng suspek at mga kasabwat nito.
Sa halip na kasahan, minabuti na lamang ng grupo ng biktima na tumakbo para makaiwas sa gulo pero hinabol sila ng suspek at pinutukan ng kanyang sumpak kung saan minalas na tinamaan ang biktima.

 
Place your ads here
Microsoft Internet Explorer 7
Microsoft Internet Explorer 7
Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT FEATURES