January 6, 2012 FRIDAY
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
January 05, 2012
As of 2:50 pm
U. States 43.9300
Bahrain Dinar 116.517
Euro 56.7335
HK Dollar 5.65637
Japan Yen 0.572362
Saudi Riyal 11.7147
S’pore Dollar 34.0587
Taiwan Dollar 1.45194
UAE Dirham 11.9599
UK Pound 68.4830
 
Custom Search
Bagets parang karneng nagutay sa pagsabog
(Bell Desolo/Amihan Sabillo)

“Para hong kinarneng baboy na gutay-gutay ang katawan ng biktima at hindi mahawakan nang aming datnan.”

Ganito inilarawan ni Senior Inspector Javiee Iongco, hepe ng Plaridel Police Station sa lalawigan ng Quezon, kaugnay ng pagkamatay ng 15-anyos na binatilyo na kinilalang si Nico Alvarez, residente ng Barangay Paaralan, matapos na sumabog ang pinaglaruang granada kamakalawa ng hapon sa Plaridel, Quezon.

Inoobserbahan naman ang mga kanayon ng nasawing binatilyo na kinila­lang sina Manolo Caridad, 50, may-asawa at Arjay Cabaña, 15, mga residente rin sa nasabing lugar na kapwa malubhang nasu­gatan sa pagsabog.

Batay sa ulat, nangyari ang pagsabog dakong ala-1:45 ng hapon kung saan sinasabing napulot ni Alvarez ang granada sa isang magubat na lugar sa Barangay Paang Bundok at pinaglaruan ito.

Inihampas pa umano ng binatilyo ang granada sa pader nang makailang-ulit dahilan upang sumabog ito.

Dead on the spot ang biktima habang isinugod naman sa pagamutan ang dalawa pa.

Napag-alaman na ang Barangay Paang Bundok ay minsan nang pinangyarihan ng sagupaan sa pagitan ng rebeldeng New People’s Army (NPA) at mga sundalo ng 76h Infantry Battalion ng Philippine Army noong Disyembre 2007.

 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION