January 6, 2012 FRIDAY
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
January 05, 2012
As of 2:50 pm
U. States 43.9300
Bahrain Dinar 116.517
Euro 56.7335
HK Dollar 5.65637
Japan Yen 0.572362
Saudi Riyal 11.7147
S’pore Dollar 34.0587
Taiwan Dollar 1.45194
UAE Dirham 11.9599
UK Pound 68.4830
 
Custom Search
2 paslit sumambulat sa naapakang landmine
(JB Salarzon/Amihan Sabillo)

Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang batang lalaki na siyam na taong gulang habang kritikal naman ang kanyang kaibigan makaraang sumambulat ang isang landmine na naapakan ng nasawi sa Barangay Niangkaan, Omar, Sulu kamakalawa ng hapon, ayon sa naantalang report ng Sulu Provincial Police Office (SPPO) kahapon.

Ayon kay Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP), pasado ala-una ng hapon nang mangyari ang pagsabog ng landmine na naapakan ng nasawing si Alshamer Mukahil habang naglalakad ito kasama ang kaibigang si Kimhar Amidon, siyam na taong gulang din.

Sa tindi ng pagsabog ay nagkalasug-lasog ang katawan ni Mukahil habang nasa kritikal na kalagayan naman si Amidon na masuwerteng nakalayo ng konti kay Mukahil nang maapakan nito ang landmine.

“Batay dito sa report ng ating SPPO, naapakan ni Mukahil ‘yung nakatanim na landmine at sumabog.

gad siyang namatay. Isinugod naman sa ospital para malapatan ng lunas si Amidon,” pahayag ni Cruz.

Aniya, hindi pa natukoy ng mga imbestigador kung sino ang may kagagawan sa pagtatanim ng landmine sa gitna ng daanan.

 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION