January 6, 2012 FRIDAY
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
January 05, 2012
As of 2:50 pm
U. States 43.9300
Bahrain Dinar 116.517
Euro 56.7335
HK Dollar 5.65637
Japan Yen 0.572362
Saudi Riyal 11.7147
S’pore Dollar 34.0587
Taiwan Dollar 1.45194
UAE Dirham 11.9599
UK Pound 68.4830
 
Custom Search
Buhay ang kapalit
EDITORIAL
 

Hindi lang kahapon ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng landslide sa bayan ng Pantukan sa Compostela Valley.

Buwan ng Abril noong nakaraang taon maraming buhay rin ang nawala nang gumuho ang lupa sa isang lugar sa naturang bayan.

Isa sa mga ikinabubuhay ng mga tao sa Compostela Valley ang small-scale mining dahil mayaman sa gold ore ang kanilang probinsya. Kaya marami rin ang pumasok sa small-scale mining sa pag-asang makatsamba ng mina ng ginto at makaahon sa kahirapan.

Subalit kapalit ng hinahangad na ginto ay ang panganib na nakaamba sa kanila habang naghuhukay sa ilalim ng lupa.

Dapat kumilos ang pamahalaan. Pwersahin nang ilikas ang mga taong naninirahan sa mga delikadong lugar doon.

Sa tulong ng lokal na pamahalaan, partikular ng nakakasakop na barangay ay higpitan ang pagbabantay para hindi na makabalik pa ang mga ililikas.

Matuto rin sanang makinig at sumunod ang mga tao roon para na rin sa kanilang kaligtasan. Ang nangyari kahapon ay hindi na bago sa kanila dahil marami ng mga ganitong insidente ang naganap.

Hangga’t hindi napapaalis ang mga naninirahan sa mga delikadong lugar sa Compostela Valley ay nakaamba lagi ang panganib sa kanila.

Maaaring sa mga susunod na pagkakataon ay mas maraming buhay pa ang mawala.

 
 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION