January 6, 2012 FRIDAY
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
January 05, 2012
As of 2:50 pm
U. States 43.9300
Bahrain Dinar 116.517
Euro 56.7335
HK Dollar 5.65637
Japan Yen 0.572362
Saudi Riyal 11.7147
S’pore Dollar 34.0587
Taiwan Dollar 1.45194
UAE Dirham 11.9599
UK Pound 68.4830
 
Custom Search
Pasaway na senador
(Boyet Jadulco)

Kung mayroon mang dapat isalang sa ethics committee ng Upper House, kandidato na rito ang isang miyembro ng mataas na kapulungan.

Paano naman kasi, ang senador na ito ang numero unong pasaway sa pinaiiral nilang alituntunin sa Senado, tungkol sa kanilang ‘code of silence’.

Nagdaos daw kasi ng closed-door meeting ang isang komite kamakailan tungkol sa maperang isyu, eheste sa isang kontrobersyal na isyu na nangyari noong nakaraang admi­nistrasyon.

Ang closed-door session ay kalimitang ginagawa ng mga senador upang masabi ng testigo ang lahat ng kanilang nalalaman na hindi maaa­ring makasuhan o malagay sa alanganin ang kanilang buhay.

Ngunit sa impormasyong nakuha ng TONITE, itong bete­ranong senador pa mandin ang lumabag sa alituntunin na ito matapos na isiwalat niya sa publiko ang pinag-usapan sa closed-door meeting, kundi ba naman sadyang pasaway ang mokong.

Halata naman na may agenda ang senador sa paglalabas ng impormasyon sa closed-door session, dahil ang takbo ng kanyang balita ay ang paglilinis sa mga opisyal ng isang korporasyon.

Minsan nang nagkaroon ng imbestigasyon sa Senado tungkol sa mga tsismosong sena­dor, matapos malantad sa publiko ang pinag-usapan ng mga senador sa isinagawang executive session tungkol sa NBN-ZTE scandal.

Kahit nagkaroon ng imbestigasyon ang Senado hinggil sa tsismosong senador na nag-leak sa impormasyon sa broadband scandal, hindi naman natumbok ang pangalan ng senador na nagbigay ng impormasyon sa media.

Pero rito sa bagong insidente ng pagsisiwalat sa naging kaganapan sa closed-door meeting, ma­liwanag pa sa liwanag ng fluorescent ang ebidensya sa ginawang pagbubunyag ng tsismosong senador sa pinag-usapan sa executive session.

Clue: Ang senador na lumabag sa sariling alituntunin ng Senado ay isa sa marunong magsalita ng Bisaya. May letrang S sa kabuuan ng kanyang pangalan as in Sutokil ang paboritong pagkain sa kanilang lalawigan. 

 

 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION