January 6, 2012 FRIDAY
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
January 05, 2012
As of 2:50 pm
U. States 43.9300
Bahrain Dinar 116.517
Euro 56.7335
HK Dollar 5.65637
Japan Yen 0.572362
Saudi Riyal 11.7147
S’pore Dollar 34.0587
Taiwan Dollar 1.45194
UAE Dirham 11.9599
UK Pound 68.4830
 
Custom Search
2 DANGKAL NG DOKUMENTO NG ARI-ARIAN NI CORONA
Nina Bernard Taguinod at Rose Miranda
 

Dalawang dangkal na ang papeles na hawak ng prosecution team na naglalaman ng mga ari-arian umano ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

Kapalit ng impormasyong ito, sinabi ng isa sa mga miyembro ng pro­secution team na hindi na nagpabanggit ng pangalan, na nasa kanilang kamay na lahat ng dokumento ng mga ari-arian umano ni Corona.

“Napakataas na ang mga papeles. Dalawang dangkal na nga. Puro pro­perties pa lamang iyan,” pahayag ng impormante sa prosecution team kaugnay ng pagkalkal sa mga ari-arian ni Corona.

“Mostly sa mga papeles na ito voluntarily given to us. Tine-trace naman namin kung totoo,” pahayag ng impormante.

Kabilang sa mga tinutunton umano ng prosecution team ang impormas­yon na mayroong “mansyon” si Corona sa isang mamahaling subdivision sa Quezon City.

Bukod ito sa bahay sa Xaviervillle Avenue, Quezon City  na siyang ginaga­mit na address ni Corona.

Base sa impormasyong nakarating sa prosecution team, ang house and lot na tinutunton ay nabili lamang noong kalagitnaan ng taong 2011.

“Kung totoo ang pro­perty na ito, eto na ang pinakamalaking property. Aalamin namin kung papaano nabili ang mga pro­perties na ito at saan galing ang perang ipinambili,” dagdag pa ng impormante.

Nang tanungin ang impormante kung saan sa Quezon City ay sinabi nito na sa La Vista Subdivision, kung saan nakatira si da­ting Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

“Pero tsinetsek pa namin kung totoo,” anang impormante.

Samantala, hinamon ng Malacañang si Corona na ilabas na ang State of Assets and Liabilities and Networth (SALN) nito upang magkaalaman kung ilan nga ba ang mga ari-arian nito.

Ayon kay presidential spokesman Edwin Lacierda, nagtataka siya kung bakit natatagalan si Corona na ipalabas ang SALN nito gayung madali lang naman itong kunin sa clerk of court ng Supreme Court sabay-giit na ang nasabing dokumento ang pinaka­mabuting ebidensya para mapatunayan ng punong mahistrado kung may kakayahan nga ito na bilhin ang mga properties nito na kumakalat ngayon sa mga media reports.

“Why is it taking you so long to disclose it? You have already said that it is with the clerk of court, executive clerk of court of the Supreme Court, who is under you, so why don’t you instruct the executive clerk of court to disclose a SALN...

So may kakayahan ba siyang bilhin po ‘yong mga properties na ‘yon and what’s the best proof, the proof of the pudding is in the eating and so the best proof is produce your SALN...eh ‘di ilabas na natin ‘yong SALN, tapos na ang usapan,” ani Lacierda.

Wala namang nakikitang masama ang Malacañang kung naiisa-publiko ang mga umano’y properties ni Corona dahil kasama rin naman talaga ito sa impeachment complaint sabay-tanggi na isa itong uri ng “trial by publicity”.

 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION