January 6, 2012 FRIDAY
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
January 05, 2012
As of 2:50 pm
U. States 43.9300
Bahrain Dinar 116.517
Euro 56.7335
HK Dollar 5.65637
Japan Yen 0.572362
Saudi Riyal 11.7147
S’pore Dollar 34.0587
Taiwan Dollar 1.45194
UAE Dirham 11.9599
UK Pound 68.4830
 
Custom Search
JDV pwedeng makatulong sa kaso ng NBN-ZTE scam
(Dindo Matining)
 

Malaki ang maitutulong ng pagboluntaryo ni dating House Speaker Jose de Venecia na tumestigo laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo hinggil sa kontro­bersyal na NBN-ZTE deal.

Ito ang sinabi kahapon ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson subalit depende aniya kung sasabihin lahat ni De Venecia ang kanyang nalalaman sa nasabing kaso.

“Kung wala siyang isasantabi sa lahat ng nalalaman niya tungkol sa maanomalyang NBN-ZTE at sasabihin niya lahat-lahat sa husgado, tiyak na makakatulong,” ani Lacson.

“Kung hindi naman sasayangin lamang niya ang oras ng mga tao,” pahayag pa ni Lacson sa text message kahapon.

Sinabi naman ni Senador Francis Pangilinan na depende kung ano ang sasabihin ni De Venecia sa korte lalo na ang pagdawit kay dating Pangulong Arroyo at asawa nitong si Mike Arroyo sa nasabing kaso.

“Depende kasi kung ano sasabihin niya at kung handa ba niyang idawit si GMA at Mike Arroyo o hindi...at kung anong personal na nalalaman niya tungkol dito,” giit ni Pangilinan.

Matatandaan na si De Venecia ay matagal na naging kaalyado at tagapagtanggol ni Arroyo sa mga kinaharap na krisis sa kanyang administrasyon.

Nakasama rin mismo ni Arroyo si De Venecia sa pakikipaglaro ng golf sa mga opisyal ng ZTE Corporation bago malagdaan ang maanomalyang kontrata.

 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION