|
KAHAPON dapat ang balik-Amerika ni Nora Aunor pero ayon kay Noranian Gari Gabrinao ay masama raw ang pakiramdam ni Ate Guy na inuubo at hirap huminga.
Postponed ang flight ni Ate Guy for Enero 8, Sunday at 8:00 PM.
***
Today is the birthday of the Biggest Winner sa TV5, my anak Sharon Cuneta!
Happy birthday, anak! Don’t ever lose weight, ha, ‘yan ang suwerte ni Buddha! Hahahahaha!!!
***
Sa lahat ng producers ay si Boss Orly Ilacad ang pinakamaligaya ngayon dahil ang dalawang pelikula niya ay pang-number one (Enteng ng Ina Mo) at My Househusband na dikit ang box-office gross sa Segunda Mano at Panday 2 kaya hindi mo matiyak kung alin ang tunay na number 2 or 3.
Ang kinita ng Enteng ay hindi nangalahati ang kasunod nito kaya expect a big victory party from OctoArts next week habang extended sa maraming mga sinehan ang Enteng at My Househusband.
***
Umaasa ang mga taga-showbiz na ibabalik na sa kanila ang pamamahala ng Metro Manila Film Festival imbes na traffic enforcers ang nakikialam.
Ang dapat asikasuhin ng MMDA ay ang super traffic at huwag na silang makisikip sa local films na naghihingalo na!
Okay ba, poging Francis Tolentino?
Hayan, buti pa, ayusin na lang ng MMDA ang trapik sa shooting ng Hollywood film na Bourne Legacy para hindi mabalita sa Hollywood na sindami na ng mga tao sa Pilipinas ang mga sasakyan na tila bawa’t Pinoy ay may pang-istorbo sa kalye!
***
Hindi raw siya naniniwalang nag-suicide ang anak niyang si Tyron Perez, ayon sa ama.
Gusto pang pahabain ang kuwento, huh?! So, hindi nag-suicide. Mabubuhay pa ba si Tyron ng iba pang paniwala?
Hindi rin daw ang pamilya ni Genelyn Magsaysay ang nagpakalat ng sex video nina Ramgen Bautista (aka Ram Revilla) at Janelle Manahan.
Eh di hindi kung hinde! Eh sino ang nagpapatay kay Ramgen? ‘Yun ang sagutin. Huwag nang gawing double program ang first run movies, ‘noh?!
Film festival ngayon, hindi double program sa Majestic Theatre, ‘noh?!
***
11 yrs old na ang apo kong si John-john, Sto. Niño’s gift to me, the reason why I am so healthy ang slightly wealthy.
Kasi, pray nang pray ang apo ko sa Sto. Niño at Nazareno sa Quiapo for my long life.
Kakaiba sa ibang 11 y/o ang apo ko dahil advanced siya nang 10 years. Eksperto na siya sa internet, Youtube, Facebook, Twitter, etc. May laptop siya, iPod, iPad at kung anu-ano pang gadgets including touch fones and Blackberry.
Daig pa niya ang teachers niya sa Grade 4 sa pagkakalkal ng gadgets!
Madaling magsawa si John-john sa mga batang kaedad niya bilang kalaro, kasi, hindi maka-relate ang mga ‘yun sa nalalaman niya sa siyensya.
Kaya ang ending, sa adults din nakikipagsosyalan ang apo ko!
Kasama ni John-john sa photo na ito ang dual dimpled pamangkin ni Michael Conan na si Pagoy na mas matanda kesa sa apo ko pero mas batang-isip although marunong nang magjakol! Na pinandidirihan naman ng apo ko!
Hahahaha!!!!
Sa weekly na pagkikita namin ng apo ko, he continues to amaze me with his new discoveries.
Kaya hindi ako nanghihinayang sa mga gastusin ko sa kanyang pag-aaral dahil sumumpa siya na aalagaan niya ang lolo niya paglaki niya.
At a young age ay marunong nang mag-ipon ang apo ko for his tomorrow raw.
Matuk mo, Bobot?
***
Two of my grown-ups pamangkins sina Rocco Nacino at Enzo Pineda.
Among the two, mas close sa akin si Rocco bagaman mabait din si Enzo na type ko ang height.
Pandak man si Rocco eh big challenge siya sa pandak ding si JM de Guzman who used to be a favorite of mine.
Mula nu’ng ipagdamot si JM ng bossing niyang may black wings ay binawi ko na ang blessings ko sa pandak na ama na hindi naman definitely angel-looking.
These two future matinee idols (Rocco and Enzo) are gay-friendly at hindi sila pinagdadamot ng GMA Artist Center. Any reporter is welcome to interview them.
Unlike du’n sa kabilang Talent Center na akala mo kung sino kung ipagdamot ang mga binibildap nila kaya sa lamayan na lang nasisilayan ng karamihan ng mga reporter!
Pwe!!!
Kahit na bihira kaming magkita nina Rocco at Enzo ay napapaalalahanan ko sila pag may napansin akong mali na mabilis nilang naitatama.
Bilib ako sa partisipasyon ni Enzo sa Startalk at naghihintay pa ako ng tamang break for my favorite Rocco.
Keep up the good work, guys! Huwag na huwag kayong tutulad sa bastos na attitudes doon sa kabilang kural ng mga starlet at hirap sumikat, huh?! |