|
SA pamamagitan ng kanyang panagang, mararamdaman ni Lamitan (Gina Alajar) ang presensya ng kaaway sa epikseryeng Amaya ng GMA 7.
Ipababatid ng kapid (Diana Zubiri) kay Dal’lang (Lani Mercado) na isa kina Amaya (Marian Rivera) at Binayaan (Glaiza de Castro) ang mapapahamak.
***
Na-X ng MTRCB ang indie movie na Id’nal (Mapusok).
Unanimous ang decision ng sub-committee na nagrebyu nito.
Ang dahilan ng pagka-X nito ay “the dominant theme of gay promiscuous behavior as a whole appeals to the prurient interest and satisfies only the craving for gratuituous sex as the scenes are numerous and extended.”
Umaapela ang production ng Id’nal kay MTRCB Chair Mary Grace Poe Llamanzares upang i-reconsider ang desisyon.
Tuloy raw ang private screening ng Id’nal bukas nang 8:00 PM, sa opisina ng Ecstatic Entertainment, 3/F Magis Academic Mentors, 311 Katipunan Ave., Loyola Heights, QC.
|