KUMAKALAT ngayon sa internet ang sex video umano ni Fred Payawan (ng PBB Teens at Lipgloss).
Kuha raw ‘yon bago pumasok si Fred sa Bahay ni Kuya.
Si Fred nga kaya ‘yon o kamukha lang niya?
‘Yung lalaki eh mag-isa lang sa video at ‘nagbatibot’ sa harap ng computer.
Tipong nakipag-cybersex.
***
Kumakalat din sa internet ang litrato ni Robert Pattinson (bidang lalaki sa Twilight) na nakasuot lamang siya ng pulang brief.
PEKE po iyon.
Inilagay lamang ang ulo ni Robert sa katawan ng isang 2007 model ng American Apparel na nagngangalang Dan.
***
Sa pagpasok ng 2009, gawing habit ang panonood ng walang-kaparis na gag show ng buong bansa -- ang Bubble Gang!
Hindi magpapaawat sina Ogie Alcasid, Michael V, Wendell Ramos, Antonio Aquitania, Rufa Mae Quinto, Diana Zubiri, Francine Prieto, Maureen Larrazabal at Boy 2 Quizon sa paghahatid ng saya sa kanilang mga tagasubaybay.
Ngayong gabi, tampok ang kwento ng isang tsimay na nag-akalang isinapelikula ng amo niyang direktor ang kanyang buhay.
Palabas din ang gags na magpapakita ng iba’t ibang reaksyon ng mga taong nadismaya sa pinamagatang “Bakit nagawa mo sa ‘kin ‘toh?”
Sa Culot 45 ay ii-spoof ang patalastas ng Colt 45.
Ang pilyang si Angelina, may lisa. Ano kaya ang gagawin ni Yaya?
Meron pang magkakalimutan sa one night stand, may isisilya-elektrika, may magkasintahang umayaw sa away, at may tatlo na namang bonggang-bonggang sumbong kay Bongbong.
Panauhin sa episode na ito sina Paolo Contis at Robert ‘Buboy’ Villar.
***
Ayon kay Jun Noya, POSTPONED ang screening ng Gwapong Pinoy-Tondo 2009 na ngayon sana gaganapin.
Sa halip, bukas na ang screening.
Para sa mga detalye, makipag-alam kay Jun Noya sa cell# 0920-630-1038.
***
Txtfwd nina Leo Dominguez at Arman Reyes, major winners ng Gawad Tanglaw…
Best Picture: Ploning, Boses, 100
Best Actress: Anita Linda (Adela), Judy Ann Santos (Ploning)
Best Actor: John Estrada (Caregiver), Baron Geisler (Jay)
Best Supporting Actress: Boots Anson-Roa (Lovebirds)
Best Supporting Actor: Emilio Garcia (Walang Kawala)
|