January 9, 2010 Saturday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
 
SEARCH Abante-Tonite
 
  HEADLINES
 
 
 
  SPORTS
  GREETINGS
 
 
 
Abante Online
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
EDITORIAL & OPINION
 
Insecure kay Loren
 

Ano? Si Andal Ampatuan Jr., ay hindi marunong mag-Tagalog? Pakiulit nga Atty. Sigfred Fortun!

Hindi ko masisisi ang mga tao kung minumura nila si Atty. Fortun dahil sa kanyang sinabi sa korte na hindi marunong mag-Tagalog ang kanyang kliyente kaya sa Maguinda­nao dialect daw dapat basahan ng kaso ang akusadong si Ampatuan Jr.
Marunong bang magsalita sa Maguindanao dialect si Atty. Fortun? Ibig bang sabihin mayroon pa tayong mga lider ng bansa na hindi marunong mag-Tagalog o makaintindi man lamang ng Tagalog?

Kung buhay lang si Jose Rizal, baka pati siya ay makimura rin kay Atty. Fortun dahil noong maaresto si Ampatuan Jr., ay matatas niyang sinabi sa Tagalog na hindi siya ang pumatay sa mga minasaker kundi si Commander Umbra Kato ng MILF.

***

Napapabilis ang gawain ng mga tao dahil sa mga makabagong teknolohiya tulad ng internet at cellphone dahil isang pindutan lang ay maha­hanap mo na ang hinahanap mong impormasyon at nakakarating ng mabilis ang mensahe mo sa isang tao kahit malayo.

Ang teknolohiya ring ito ay matinding pakinabang sa kauna-unahang Black President ng Amerika na si Barack Obama dahil naiparating nito ang kanyang mensahe ng libre at hindi na gumastos ng todo para makipagkaibigan at maghanap ng supporters.

Pero ang teknolohiya rin umano ay ginagamit na ng mga “attacker” ng mga pulitiko para siraan ang kanilang mga kalaban sa pulitika. Konti na lang ang ginagastos para makapanira kapag text ang gamit.

***

Nakakabuwisit lang na kahit sa gitna ng mahim­bing mong pagtulog ay tutunog ang cellphone mo na akala mo ay impormante kaya babangon ka at babasah n pero madidismaya ka lang kapag political attack ang natanggap mong mensahe sa gitna ng mahimbing mong pagtulog.

Ang napapansin ko, mukhang marami ang insecure kay Sen. Loren Legarda na running mate ni Sen. Manny Villar dahil nitong mga nakaraang araw siya ang laman ng mga text message at internet attack. Kesyo si Aling Loren daw ang utak ng panukala na ibaba ang sahod ng mga manggagawa. Kasunod ito ng pagbababa ng sahod ng mga guro, pulis at mga sundalo.

Matagal na ang isyung ito at itinuwid na ng kampo ni Legarda at isinalpak sa mukha ng kanyang mga kritiko ang Senate Bill 1611 na para itaas ang sahod ng mga civilian employees at Senate Resolution 26 na nagbibigay ng awtorisasyon sa Pangulo na itaas ang sahod ng mga sundalo at pulis.

 

 
Place your ads here
Microsoft Internet Explorer 7
Microsoft Internet Explorer 7
Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT FEATURES