Abu Tilamsik  

Allan Diones

Alfie Lorenzo

Joe Barrameda


Pralala Et Cetera

Showbiz Gallery


 

ENTERTAINMENT

Kahit anong mangyari, wagi si Wendy


Nasa TV Patrol kagabi si Amalia Fuentes na ang news eh tungkol sa diumano eh pambababae ng mister niyang si Joey Stevens na ang pinatulan ay babaing may asawa raw. Bakit daw kami walang sinusulat tungkol dito eh ka-dinner namin sa Red Crabs nung isang gabi si Nena with former Board of Censors chief Ma. Rocio de Vega (or Tita Chuchi as close friends call her)?

‘Yun nga ang patakaran namin that close friends’ secrets remain secrets until the Pandora’s Box is open.

Kilala kami ng mga tunay naming kaibigan na mapapagkatiwalaan nila kami ng sikreto nila until given the go-signal, but NOT to expose the issue o painitin pa lalo, but to correct some minor faults.

Basta sa mga kaibigan ni Amalia na nag-aaway-away, kanya-kanyang away at walang kampihan.

With Amalia, she merely watches with amusement. Hindebah, Kuya Rod?

Si Amalia naman ay ipi-feed ka niya ng gusto niyang ipasulat. Magkukuwento siya at sasabihing, "Isulat mo ‘yan, ha!"

So, until given the go-signal and the real score, wah kami ibubunyag kung meron man tungkol sa relasyon ng mga kaibigan naming Amalia at Joey na ilang taon na rin namang maligayang nagsasama here and abroad and other tourist spots!

***

Uminit nang husto ang otherwise ay walang kadating-dating at mistulang niyeyelong reception sa PBB Season 2 gawa ng pagmamaldita ni Wendy na ngayon eh sikat na sikat na, win or lose sa final rounds tonite sa Araneta Coliseum.

Exciting ang happenings sa Araneta, ha, magkasunod na big event ng ABS-CBN. Tonite, ‘yung Wendy WIN OR LOSE?

Ang TOMORROW night at 9:45 PM kung tama ang relo n’yo, magbibida si Juday ng tungkol sa BIDA NG BUHAY KO!

SA KABI-KABILA NG IBA’T IBANG SPECULATIONS NA MASASAMA, we stand in the middle now.

Kaibigan namin ang manager ni Wendy or caretaker na si Ambus Nabet (no bet?), so he took upon what we related to him about the genuine MIRACLES of the BLACK NAZARENE in Quiapo.

Not, if only because of it I gained another RECRUIT as a devotee to the Black Nazarene, pray din namin na ma-grant kay Wendy what rightfully belongs to her, or what she genuinely deserves to take home.

As of now, WINNER na rin siya even if she doesn’t win the top prize (debah, Martin Nievera?).

Ranking na lang ang hihintayin ngayong gabi at kung sino ang housemate na uuwing MILYONARYO.

Even if third placer lang si Wendy, meron na rin naman siyang maiuuwing ONE HUNDRED THOUSND at least.

Kuya cannot deny the fact that Wendy, like Keanna and Rustom, brought curiosity to the second season of PBB na boring nung magsimula.

Nito na lang papatapos na nagkaroon ng init dahil sa controversy about Wendy, who and what she is and IS SHE WORTH IT?

Napalayas na nga raw, naging housemate uli -- pagtatakhan pa ba raw ng marami kung siya man ang maging BIG WINNER tonite?

Ako, gusto ko ring matupad ang wish ko na sana for a change ay maging lalake ang winner like Mickey.

Ito ay para magsilbing encouragement sa ibang mga lalake na gustong sumali sa PBB in the future.

Eh kung laging babae ang pinapanalo riyan, ano ang magiging attitude ng kalalakihan?

‘PARE, HUWAG NA LANG TAYONG SUMALI RIYAN, KASI WALA NAMAN TAYONG PAG-ASA. KASI, PURO BABAE LANG NAMAN ANG NANANALO RIYAN EH!’

So, parang unfair sa opposite sex at hindi pantay ang labanan. Dapat nga naman, fair and square. Para walang masabi.

Never mind kung may pipintas, kanya-kanya namang reaction ‘yan.

But anong magagawa ng iba kung ‘yun ang patakaran ng may franchise ng PINOY BIG BROTHER?

Sila siyempre ang masusunod komo may sarili silang patakaran, perhaps unknown to the participating general public, debah?

And so, whatever excitement, anger and disappointment ang mangyayari ngayong gabi, katulad ng ibang mga araw, IT SHALL COME TO PASS, like tomorrow is another day, but it will pass the next day!

Good luck sa sinumang mananalo, sa tama o mali man ang magiging decision ng publikong nagte-text o ni kuya na siyang BOSSING ng boarding house.

Be contented with what you have, what you get, OR what you didn’t!

Good NITE!

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top