Abu Tilamsik  

Joe Barrameda


Pralala Et Cetera

Showbiz Gallery


 

ENTERTAINMENT

ANGEL, NAGSUNGIT


Halatang irita si Angel Locsin nang nakunan ng Startalk ang pag-alis niya nu’ng Huwebes nang gabi patungong Amerika para sa premiere showing ng Angels doon

.Nakiusap siya sa cameraman na huwag siyang kunan dahil hindi raw siya nakaayos.

Nagtataka kami kay Angel na ngayon pa siya naging conscious sa ayos niya, eh dati naman, kahit naka-rollers ang buhok niya, nakukunan siya at wala namang nabago sa career niya.

Maayos naman ang itsura niya nu’ng gabing iyun.

Anyway, maayos niyang nasagot ang ilang katanungan tungkol sa balak niyang pag-aaral sa London at ang isyu kay Robin Padilla, pero nahalata naming nairita siya sa tanong tungkol sa isyung paglipat daw niya ng ABS- CBN 2.

Hindi na siya nagpakuha at may pananakot pa itong magsusumbong daw siya kay Ma’am Wilma Galvante kapag patuloy siyang kinunan.

Nagtataka ang ilang staff ng Startalk kung bakit parang ang laki ng ipinagbago ngayon ni Angel at nagsusungit na ito. Hindi na kami nagtaka sa ipinakita ni Angel dahil dati na naming alam kung gaano siya ka-"anghel" kahit nung hindi pa siya gaanong sikat.

Nasaksihan namin mismo kung paano niya tilian ang ilang mga kasamahan niya na hanggang ngayon ay may ganu’n pa ring reklamo galing sa mga nagtatrabaho sa kanya.

***

Sa Startalk din ay ilalahad ni Cristine Reyes kung paano sila nagkabati ni Katrina Halili.

Ikukuwento din ng young actress ang pictorial niya sa FHM na ginawa sa Tagaytay Highlands.

Matagal daw bago siya nakampante sa pictorial dahil sobrang tensyonado raw siya sa pictorial na iyun.

Ang isa sa madalas na nagti-text sa kanya at nagpapalakas ng loob ay si Katrina na nagkaayos daw sila pagkatapos magsalita ng huli sa Showbiz Central nu’ng nakaraang Linggo.

Nag-text daw sila sa isa’t isa at nagkaayos at nangakong hindi na nila papatulan ang ano mang intriga sa kanilang dalawa.

‘Pag lumabas na itong pictorial niya sa FHM, tiyak na pagkukumparahin na raw sila ni Katrina pero hindi na raw nila papatulan ang ano mang intriga.

Samantala, matagal bago nasagot ni Cristine ang tanong namin tungkol sa kanila ni Dennis Trillo.

Reliable ang source naming may relasyon na raw ang dalawa na nabuo sa taping nila dati sa Super Twins.

Itinatanggi naman ito nina Dennis at Cristine. Ayon sa dalaga,matagal na raw silang walang komunikasyon sa isa’t isa.

Hindi naman daw nanligaw sa kanya si Dennis kaya nagtataka ito kung bakit may ganu’ng isyung lumalabas.

Si Andrew Schimmer raw ang madalas niyang nakakasama, kaya malabo raw ang isyu sa kanila ni Dennis.

Pero isinusumpa ng source naming merong nabubuong magandang relasyon sa dalawa na
ayaw lang daw muna nilang aminin sa ngayon.

***

Matagumpay na binuksan ang Barrackz sa may Tomas Morato Ave., QC at mukhang ito ngayon ang bagong tambayan ng mga taga-showbiz dahil showbiz naman ang halos lahat ng may-ari ng naturang bar.

Masarap ang pagkain nila at isa ito sa ipinagmamalaki ni Allan K kasama ang iba pang may-ari na sina Diana Zubiri, Alfred Vargas, Katrina Halili, Jaya at JC de Vera.

Tinitiyak ni Allan na hindi makakasira sa kanilang pagkakaibigan ang negosyong ito. Malakas ang kutob nilang maganda ang resulta nito basta mahawakan lang ito nang mabuti.

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top