Hindi sukat akalain ng isang mag-live-in partner na magnanakaw pala ang isang lalaki na nagpanggap na mabuting tao at nagmagandang-loob na tumulong sa kanila habang bumubuhos ang malakas na ulan sa Mandaluyong City kamakalawa ng gabi.
“Talaga po nagpapasalamat kami doon sa lalaki dahil bigla niya kaming nilapitan at pinayungan bago tinulungan. Kahit nabasa siya ng ulan tinulungan niya kami sa pagbubuhat ng gamit namin. Akala ko nga good Samaritan talaga, pero kawatan pala,” pahayag ni Analyn Doanias y Pedregal, 25. |