JUNE 19, 2012 TUESDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
June 18, 2012
As of 2:00pm
U. States 42.2011
Bahrain Dinar 112.064
Can Dollar 41.4246
Euro 53.7603
Aus Dollar 42.7756
HK Dollar 5.44706
Japan Yen 0.533406
Saudi Riyal 11.2683
S’pore Dollar 33.3465
Taiwan Dollar 1.41623
UAE Dirham 11.5061
UK Pound 66.3733
 
Custom Search
LOVERS SA ROBBERY-MURDER!
Ni Alvin Madan

Nakahandusay ang duguang bangkay nang matagpuan ang isang ginang na pinaniniwalaang pinagtulungang patayin at pinagnakawan pa ng kanyang katulong at ng lover nito sa loob ng kanyang bahay sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Si Allan Gonzales, ang isa pang katulong ng biktimang si Carlota Amio, 34, ang nakadiskubre sa kalunus-lunos na pamamaslang sa kanyang among babae matapos na dumating sa bahay nito na matatagpuan sa Regalado Avenue, Barangay Greater Lagro ng nasabing lungsod.

Laking gulat na lamang umano ng houseboy na si Gonzales nang makita ang nakahandusay na katawan ng among babae na nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito.

Pinaghahanap naman ngayon ng pulisya ang housemaid ng biktima na kinilala lamang sa alyas na Bingot gayundin at ang pinaniniwalaang lover nito.

Ayon sa investigation report ni PO2 Rhic Pittong ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, dakong alas-sais ng gabi nang ma­diskubre ang kulus-lunos na sinapit ng ginang sa loob ng kanyang bahay ng houseboy na si Gonzales.

Ayon kay Gonzales, laking gulat na lamang nito pagkauwi at pagkabukas ng pinto ay tumambad sa kanya ang amo na duguan kaya agad siyang humingi ng saklolo at itinawag ang pangyayari sa pulisya.

Rumesponde ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operations at napag-alaman sa ginawang imbestigasyon sa pinangyarihan ng krimen na nagtamo ng mga saksak sa katawan ang ginang na hinihinalang nanlaban din sa mga suspek.

Lumalabas din sa inisyal na imbestigasyon base sa salaysay ng mga kapitbahay ng biktima na sina Susan Passion at Christine Hamilo, na huli umanong nakita ang ginang na kasama si Bingot papasok sa bahay.

Hindi nagtagal ay narinig na lamang nila na tila nagkakagulo sa loob ng bahay ng biktima at nang tumahimik ay isang lalaki ang lumabas na sinundan naman ng pagdating ni Gonzales na siyang nakadiskubre sa bangkay ng kanyang amo.

Pagnanakaw ang hinihinalang motibo sa pagpatay dahil natuklasang nawawala ang isang laptop at ang mga alahas ng biktima.

 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION