JUNE 19, 2012 TUESDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
June 18, 2012
As of 2:00pm
U. States 42.2011
Bahrain Dinar 112.064
Can Dollar 41.4246
Euro 53.7603
Aus Dollar 42.7756
HK Dollar 5.44706
Japan Yen 0.533406
Saudi Riyal 11.2683
S’pore Dollar 33.3465
Taiwan Dollar 1.41623
UAE Dirham 11.5061
UK Pound 66.3733
 
Custom Search
Metro mayor kolektor ng mamahaling paintings

(Bernard Taguinod)


Sino ang Metro Manila mayor na ito na nangongolekta ng mga mamahaling paintings habang nasa puwesto kaya hindi na kasya sa kanyang bahay ang mga obrang nakolekta sa maiksing panahon lamang?

Sa report na nasagap ng DPA ng TONITE, walang nag-aakala na mahilig sa paintings ang Metro Manila mayor na ito dahil ang akala ng iba ay simpleng tao lamang ito at walang interes sa naturang art.

Nabatid na hindi lamang mga paintings na gawa ng mga kilalang pintor sa Pilipinas ang kolek­syon ni Mayor kundi galing pa sa iba’t ibang panig ng mundo.

Hindi rin umano basta-basta paintings ang koleksyon ni Mayor kundi mga mamahalin as in malaking kayamanan na maitutu­ring at malamang na doble o triple ang halaga pagdating ng araw.

Walang biyahe umano si Mayor sa ibang bansa na walang bitbit na mga bagong paintings kaya parami nang parami ang kanyang koleksyon habang tumatagal sa posisyon.

Sa katunayan, nagmukhang gallery umano ang isa sa dalawang bahay ni Mayor sa dami ng kolek­syong paintings, na kung saan galing ang ipinambili ay walang nakakaalam.

Inilipat umano sa isa pang bahay ang mga paintings na wala nang mapuwestuhan sa kanyang unang bahay pero hindi pa rin kasya kaya problemado ito ngayon.

Pero sa kabila nito, patuloy ang pagkolekta ni Mayor ng mga paintings kaya hindi umano magtataka ang DPA ng TONITE kung darating ang araw na siya ang record holder sa dami ng mga obrang nakolekta.

Hindi raw nakikitaan ng mga marangyang buhay si Mayor hindi tulad ng ibang public officials, pero kung koleksyon sa painting ang pag-uusapan, siya ang isa sa itinuturing na maluho sa lahat.

Clue: Si Mayor ay takot ngayon na maagaw sa kanya ang kanyang posisyon dahil mayroong mas sikat sa kanya na posibleng makaharap niya sa darating na halalan. Mayroon siyang inisyal na B as in Baka.

 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION