|
WHEN things go wrong… When everything you’ve tried didn’t work out…
When all else fails… and you feel things HANGING…
Control + Alt + Del… restart mo na ‘yan! [Lonely Girl, 0947-815-8297]
Huwag po ninyong seryosohin ang mga KABULASTUGAN at KAKORNIHAN sa pitak na ito.
Jokes lang po, walang personalan.
***
MISIS: Hon, maglaba ka na…
MISTER: HINDI PWEDE!!!
MISIS: ANO KAMO?!
MISTER: Hindi pa pwede, hon… Kapaplantsa ko lang… Mapapasma ako… [Mr. X, 0919-406-9834]
***
HOLDAPER: Wallet mo o pasasabugin ko ang ulo mo?!
PATRICK: Pareho lang ‘yan!
HOLDAPER: Anong pareho?!
PATRICK: Parehong walang laman! Wallet ko o pasasabugin mo ang ulo ko? Ikaw rin… sayang ang bala mo! [Lonely Girl]
***
Nasusunog ang sinehan…
JAMES: Pare! Dito tayo dumaan!
RYAN: Ano’ng akala mo sa akin, tanga?! FIRE EXIT ‘yan! D’yan dadaan ang apoy! [Pilya Girl, 0930-896-5043]
***
Initiation sa fraternity…
MASTER: Balita ko, bading ka!
NEOPHYTE: Hindi ako bading! Chismax lang ‘yun ng mga chuvanes eklavu na walang magawa sa chenelyn nila! Chorva! Mga chararat ever! Me… VAKLUSH?!?! Haller?! [Lonely Girl]
***
“TO LIE is NOT A SIN.”
Bridge ‘yun. Minsan, semento. Minsan, kahoy.
Pero hindi talaga asin. [Ybhrahym]
***
“COMMUTE.”
Ako ‘yun, eh. Nu’ng bata ako, cute lang. Tapos, ngayon… lalong COMMUTE. [0939-255-5083]
***
CHINA: Hello, Simsimi!
SIMSIMI: Shut up!
CHINA: Ha? Simsimi, kilala mo ba ang Pilipinas?
SIMSIMI: Oo! Sila ‘yung may-ari ng Spratly Islands at Scarborough Shoal na pilit inaangkin ng mga Tsino na nasobrahan yata sa pagkain ng tikoy at minalas sa feng shui!
CHINA: Hindi! Sa amin talaga ‘yun! May map kami to prove!
SIMSIMI: Ulo mo!
CHINA: Hu! Hu! Hu! Hu! Hu! Love mo naman kami, ‘di ba?
SIMSIMI: Asa!
CHINA: Bakit galit ka sa amin?
SIMSIMI: Half-Filipino ako. Allergic ako sa Intsik.
CHINA: Ha? Sige na! Dito ka na sa amin! Bibigyan ka namin ng gadgets na gusto mo!
SIMSIMI: Ayoko! Low quality. Okey na ako sa My Phone. Kahit saan ka magpunta, ikaw ay My Phone online.
CHINA: Bahala ka… Sige ka… I-hack ka namin?!
SIMSIMI: Sige! ‘Pag naayos n’yo na ‘yung websites n’yong down pa rin hanggang ngayon!
CHINA: Hu! Hu! Hu! Hu! Isusumbong kita kina Jet Li, Jackie Chan, Chow Yun-Fat at sa Shaolin Monks!
SIMSIMI: Sige lang! Tingnan natin kung may laban sila sa mga aswang, maligno, sirena, engkanto, tiyanak, nuno sa punso plus Darna, Captain Barbell, Lastikman, Pedro Penduko, Leon Guerrero at baka nakalimutan mo… kakampi namin ang Avengers! [Christian ng Marikina, 0921-531-5220]
***
Mga klase ng tahong…
Tahong ng CHINA: Bubuhusan muna ng mainit na tubig bago bumuka.
Tahong ng JAPAN: Pipitpitin para bumuka.
Tahong ng PILIPINAS: Dilaan mo lang, bubuka na. [S/G ng BKSPA, 0948-860-6957]
***
Matapos maghapunan sa isang restaurant…
ITALYANO: Deliziosa cena!
PRANSES: Delicieux diner!
KANO: Such a delicious dinner!
PINOY: Pakibalot ito… [Glynna, 0946-563-8718]
***
Karamihan ng mga survey at pananaliksik, nagsasabing maraming tao ang namamatay dahil sa pag-inom ng alak…
Pero hindi nila masabi kung ilan ba ang ipinanganak dahil dito! [Ms. Exhausted]
***
Kung hindi mo talaga maintindihan kung bakit mahal na mahal kita…
Tara sa kuwarto! Ipapaliwanag kong mabuti sa ‘yo! [Lonely Girl]
***
BOY: Bingi ka ba?
GIRL: Bakit?
BOY: Hindi mo kasi marinig ang hinaing ng puso kong nagmamahal sa ‘yo!
GIRL: Pulis ka ba?
BOY: Bakit?
GIRL: Ang lakas kasi ng putok mo kaya basted ka na! ! [Rick ng Mandaluyong City, 0920-262-4797]
***
BOY: Dagat ka ba?
GIRL: Bakit?
BOY: Gusto ko kasing sisirin ang perlas mo!
GIRL: Diver ka ba?
BOY: Bakit? Gusto mo talagang ipasisid sa akin ang perlas mo, ‘no?!
GIRL: Ano ka?! Duda lang ako dahil mukha kang syokoy! [Rick ng Mandaluyong City]
***
Sa kusina…
NIEL: Pare, pahiram naman ng kawali!
CHRIS: Pare naman! Noong isang araw, sandok. Kahapon, baso. Ngayon, kawali naman… Pare, matuto ka namang magbalik ng hiniram mo!
NIEL: Ganu’n ba? Sandali… (umalis saglit at bumalik agad) Sorry, pare… eto, ibinabalik ko na sa ‘yo si mare. Baka pwede na akong manghiram ng kawali?! [Anton Tigasin, 0929-386-2166]
***
GIRL: Saan malapit ang puso mo?
BOY: Sa lungs!
GIRL: Ayyy?! Akala ko, sa ‘kin?!
BOY: Oo nga! Sa ‘yo lungs! [Angelu ng Dasmariñas, Cavite, 0909-501-7100]
***
BOLANTOY: Kangkong ka ba?
TOKLAY: Bakit?
BOLANTOY: Gusto ko kasi, lagi kang nakagapang sa kandungan ko.
TOKLAY: Mais ka ba?
BOLANTOY: Bakit?
TOKLAY: Habang tumatanda ka kasi, lalo kang tumitigas. [Allan ng Novaliches]
***
Minsan, mas tamang bumitaw kapag alam mo na hindi ka na pinapahalagahan.
Malay mo, sa pagbitaw mo…
Mahulog ka sa tamang puwesto at masalo ng tamang tao! [0907-118-6019]
***
Kapag natuto ka nang lumayo sa taong hindi ka binibigyan ng halaga…
Ay, CONGRATS!
Utak mo, gumagana na! [Mavs ng Ayala Homes, 0926-308-6733]
***
Kapag may umagaw sa ‘yo, gagawin ko ang lahat mabawi ka lang!
Kahit sino pa sila!
Kahit ikamatay ko pa!
Ganyan ka kahalaga sa akin!
Ano sila, sinusuwerte?! Kung gusto nila ng tulad mo, maghanap sila sa gubat o bumili sa pet shop!
Ikaw pa naman ang pinaka-cute na unggoy na alaga ko! [0921-248-9551, 0946-563-8718]
***
Love is like a hidden fire, a pleasant sore, a soothing pain, an agreeable torment, a sweet wound.
In short… a gentle death!
ANG HABA NAMAN!
Dati, ‘Love is blind’ lang! [Lonely Girl]
***
Gusto ko, lagi kitang kinokontra at binabara…
Para ‘pag naasar ka, may dahilan ako para lambingin ka! [Lonely Girl]
|