JUNE 19, 2012 TUESDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
June 18, 2012
As of 2:00pm
U. States 42.2011
Bahrain Dinar 112.064
Can Dollar 41.4246
Euro 53.7603
Aus Dollar 42.7756
HK Dollar 5.44706
Japan Yen 0.533406
Saudi Riyal 11.2683
S’pore Dollar 33.3465
Taiwan Dollar 1.41623
UAE Dirham 11.5061
UK Pound 66.3733
 
Custom Search
Hindi maka-move on (5)
DRA. MARGARITA HOLMES
 

Dear Dra. Holmes: (same June 5 letter)

Nahihirapan na ako talaga, Dra. I just want to ask you kung bakit laging pumapasok sa isip ko ang ex-boyfriend ko?

May 6 months na kaming separated. Nahihirapan akong maka-move on!

Ano ba ang dapat kong gawin para maka-move on? Nahihirapan na po talaga ako dahil lagi po siyang pumapasok sa isip ko, kahit may ginagawa ako at kahit busy pa ako.

Sana po ay sagutin mo naman itong tanong ko. I’m already 52 years old and I broke up with a guy who had a wife. Please Dra., feeling ko nababaliw na yata ako. Please help me. -- Jessica

Dear Jessica:

Maraming salamat sa iyong sulat na unang lumabas noong nakaraang Martes, Hunyo 5. Sa huling kolum natin noong nakaraang Huwebes, Hunyo 14, sinabi ko na kadalasan, kapag nagkaroon ng boyfriend ang isang babae, ang mundo niya ay lumalawak. ‘Yan ang isa sa mga kasiyahan ng pagkakaroon ng kasintahan.

Mas marami, mas masaya dahil mas maraming mapipilian.

Hindi lamang hindi ito nangyayari sa querida; pero opposite pa. Lumiliit ang mundo niya.

Wala siyang nakikilalang bagong tao (o, at most 1 or 2) dahil konti lang ang mapagkakatiwalaan ng lalaki na huwag magkuwento.

Hindi na siya pumupunta sa kanyang mga paboritong lugar dahil ayaw sumama ng kanyang boyfriend.

Kung isama naman siya ng bf niya, kadalasan ito ay sa madidilim at malalayong lugar na nakakasigurado ang bf niya na walang makakakilala sa kanya.

Kung ganyan kawawa ang buhay-querida, tatagal ka lang kung mahal mo siya. Somehow, kinumbinsi ka niya na ang pag-ibig ay may maraming sakripisyo.

Nagsakripisyo ka nga at naghirap, iniwanan ang iyong mga dating kaibigan na hindi bilib sa kanya, nakalimutan ang mga gawain mo na enjoy na enjoy ka nu’ng dati. And for what?

Dahil sa iyong relasyon sa bf mo. At ngayon na wala ka nang relasyon sa kanya, mahirap magsimula from square 1 na naman. Kadalasan, wala na ang mga dati mong kaibigan.

Marami sa kanila ay nasaktan dahil para bang drinop mo sila kaagad pagdating ng bf mo.

Hindi sila kaagad lalapit at makikipagkaibigan sa iyo dahil lamang nag-break up kayo.

(FINAL INSTALLMENT ON THURSDAY)

Si Dra. Holmes ay sumusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes at sa Abante TONITE tuwing Martes at Huwebes. Sulatan siya sa kanyang website: margaritaholmes.com. I-like ninyo rin sana siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargaritaholmes.

 
 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION