|
Dear Sen. Chiz,
Dati po akong OFW sa Gitnang Silangan.
May naging anak ako na ngayon ay 9 years old na.
Hindi pa ako naka-submit sa National Statistics Office ng birth certificate ng bata.
Gusto ko naman na maging legal ang mga documents ng anak ko. Ipinanganak ko siya sa ibang bansa.
Mayroon siya nito doon at nakakuha ako ng passport niya. Hindi ako kasal sa tatay ng anak ko.
Hiwalay na sila ng asawa niya nang nakilala ko kaya ako pumayag na magsama kami. Ano ang gagawin ko?
Tulungan mo naman ako kung ano ang dapat kong gawin? Maraming salamat po. -- Arlene
Dear Arlene,
Maaari mo pa ring irehistro ang birth certificate ng iyong anak sa National Statistics Office (NSO).
Ang mga requirements para sa delayed registration sa NSO ay ang mga sumusunod: Apat (4) na kopya ng Certificate of Live Birth; Affidavit for Delayed Registration na ginawa ng tatay, nanay, o guardian ng bata na isasama sa Certificate of Live Birth kung saan nakadeklara ang
(1) pangalan ng bata,
(2) petsa at lugar ng kapanganakan,
(3) pangalan ng ama kung ilehitimo ang bata at kinikilala siya ng ama,
(4) kung lehitimo ang bata, ang petsa at lugar ng kasal ng mga magulang niya, at
(5) dahilan kung bakit hindi nairehistro ang kapanganakan ng bata sa loob ng tatlumpung (30) araw pagkatapos siyang isilang.
Sumasaiyo,
Senator Francis “Chiz” Escudero
***
Dear Sen. Chiz,
Twelve (12) years na akong nagwo-work dito sa boss ko. Kahapon lang sila mag-uumpisang maghulog ng SSS sa ibang trabahador dito. Paano ang maraming taon na nagdaan? -- Avid Reader
Dear Avid Reader,
Ayon sa Social Security System (SSS) law, ang coverage sa isang empleyado ay nagsisimula sa unang araw niya ng pagtatrabaho sa kanyang employer.
Ibig sabihin ay dapat noon pa man, nagre-remit na ng SSS contribution mo ang iyong amo sa unang araw mo pa lang.
Maaari pa namang bayaran ng iyong employer ang mga previous unpaid SSS contributions. Kung hindi niya gagawin ito, maaari siyang magkaroon ng mga penalties na naaayon sa SSS Law.
Sumasaiyo,
Senator Francis “Chiz” Escudero
***
Ilakip ang pangalan at address sa inyong tanong. Ipadala ang liham sa Abante sa No. 167 Liberty Bldg., Roberto Oca St., Port Area, Manila o mag-e-mail sa saychiz@chizescudero.com. Maaari ring mag-text sa: CHIZ <space> mensahe sa 2976. |