|
PINAGSABIHAN si Pauleen Luna ng kanyang ama na tigilan na ang magpa-interview tungkol sa mga isyung kinasangkutan nito ngayon lalo na ang pagkaka-link kay Vic Sotto.
Kahit maingat si Pauleen sa mga sagot niya, mabuting manahimik na lang daw at huwag nang magsalita para hindi na lumaki ang isyu.
Kapag may mga personal na tanong kaming binabato kay Pauleen, hindi na ito nagsasalita.
Tungkol sa cool-off issue, tinatawanan na lang niya at agree siya sa mga sinabi ni Vic Sotto.
“Like what he said, ang funny na minsan may lumalabas na ganu’n na hindi mo alam kung saan nanggaling.
“Wala, tinatawanan na lang namin, lalo na hindi totoo ang mga ganu’ng bagay,” sagot ni Pauleen.
Sinundan namin ng tanong kung hindi totoo na cool-off na sila, pero hindi na kami sinagot.
Gaya ni Bossing Vic, ganu’n din ang gusto ni Pauleen na sarilinin na lang muna pagdating sa lovelife.
“‘Yun din naman ang stand ko. Eversince, you know… lately. I think it’s about time na I keep something private and siguro it’s the right time na rin.
“I guess I’ve been open all these years na maintindihan naman nila,” pakli ni Pauleen.
Basta, masaya siya at bahala na ang mga tao kung ano ang nasa isip nila kung bakit masaya siya ngayon, lalo na ‘pag pumapasok siya sa Eat Bulaga.
“Everyone’s happy. Always naman, eh. You know, this is a family that you go to everyday.
“Like I always say sa mga interviews; going to Eat Bulaga isn’t like going to work. It’s like going to school. Everyday you learn something parang meron kang mga kaklase.
“Dito naman, magkakaibigan lang talaga kami na nagsasama-sama during lunchtime.”
Hindi pa alam ni Pauleen kung makakasali siya sa pang-MMFF entry nina Bossing Vic at Sen. Bong Revilla na Si Agimat, si Enteng Kabisote at si ME.
Okay siya sa cameo role at mag-guest sa naturang pelikula, pero hindi pa alam kung merong bagay na role.
Kung si Manay Lolit Solis ang tatanungin, mas gusto niya siyempre na mahalagang role na ang gagampanan nito dahil marami ang nadagdag na karakter.
|