MARCH 21, 2011 MONDAY
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
For your e-paper registration & subscription just click on the image below

SUPERLOTTO 6/49 DRAW
March 20, 2011

43-26-25-28-33-47
P59,725,090.80

11AM SUERTRES 6-1-5
4PM SUERTRES 9-5-5
9PM SUERTRES 9-6-2

EZ-2 11AM
23-29

EZ-2 4PM
10-06

EZ-2 9PM
10-12

Exchange Rate
March 20, 2011
As of 3:53 pm
U. States 43.5300
Bahrain Dinar 115.449
Euro 61.7097
HK Dollar 5.58055
Japan Yen 0.540141
Saudi Riyal 11.6069
S’pore Dollar 34.2002
Taiwan Dollar 1.46862
UAE Dirham 11.8517
UK Pound 70.6710
Napahiya pumatay
(Irwin Corpuz)

Bunga ng kalasingan ay namali sa pandinig at inakalang hinahamon ng kainuman kaya patraydor nitong kinadyot ang katrabaho hanggang sa masawi sa Marikina City.

Kinilala ang nasawi na si Felix Olase, 37, ng Bgy. Ampid, San Mateo, Rizal habang ang suspek na naaresto ng pulisya ay nakilalang si Rafael Marquez, 32, ng Sala Site, Gulod, Malaya, San Mateo, Rizal at stay-in kasama ng biktima sa pinapasukang 23 Kaolin st., Twinville Subd., Bgy. Parang, Marikina City.

Napag-alaman kay SPO1 Jose Castelo Jr., na alas-9:30 kamakalawa ng gabi ay nagkainuman ang magkakatrabaho at nang magkalasingan ay nainis ang mga ito dahil umihi ang suspek sa tabi ng lamesang kanilang ininuman.

Pinagsabihan ng mga kasamahan ang suspek kaya’t napahiya at nagpaalam na umuwi.

Subalit ilang saglit ang nakalipas ay nagbalik ito at pinatulog na lamang ng mga kasamahan upang mabawasan ang pagkalasing nito.

Pero naglitanya umano ang biktima na ‘mahina ka pala sa inuman, mahina ka pare ‘di mo ako kaya.’

Dahil umano sa nasabing pahayag kinadyot ang biktima ng suspek.

Ayon sa mga kasamahan ng biktima posible umanong namali ng pandinig ang suspek na inakalang hinahamon siya ng biktima kaya sa galit ay inapuhap ng suspek ang dalang patalim at sinaksak ang biktima.

 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION