MARCH 21, 2011 MONDAY
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
For your e-paper registration & subscription just click on the image below

SUPERLOTTO 6/49 DRAW
March 20, 2011

43-26-25-28-33-47
P59,725,090.80

11AM SUERTRES 6-1-5
4PM SUERTRES 9-5-5
9PM SUERTRES 9-6-2

EZ-2 11AM
23-29

EZ-2 4PM
10-06

EZ-2 9PM
10-12

Exchange Rate
March 20, 2011
As of 3:53 pm
U. States 43.5300
Bahrain Dinar 115.449
Euro 61.7097
HK Dollar 5.58055
Japan Yen 0.540141
Saudi Riyal 11.6069
S’pore Dollar 34.2002
Taiwan Dollar 1.46862
UAE Dirham 11.8517
UK Pound 70.6710
Magnitude 6.1 na lindol sa Laoag City
(Jun Tadios)
 

Iniyugyog ng magnitude 6.1 na lindol ang hi­lagang Luzon kahapon, su­balit walang naitalang casualty, ayon sa Philippine Institute of Volcano­logy and Seismology (Phi­volcs).

Naitala ang sentro ng pagyanig sa layong 117 kilometro, silangan ng L­aoag City.

Naramdaman ang Intensity 5 sa Pasuquin, Ilocos Norte, habang Intensity 4 naman sa Calayan, Island.

Ang Basco, Batanes; Sinait, Ilocos Norte; Gonzaga at Camalaniogan, Cagayan at lungsod ng Maynila ay Intensity 3 at Intensity 2 naman sa Vigan at Baguio City.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang sanhi ng lindol na naramdaman bandang alas-4:26 kahapon ng hapon.

Bagama’t walang casualty, inabiso ng Phivolcs na asahan ang aftershocks dulot ng lindol.

Bagama’t malawak ang baybayin at katubigan ng hilagang Luzon, kinalma ni Phivolcs Director Renato Solidum ang pa­ngamba ng publiko hinggil sa posibleng tsunami.

Habang isinusulat ang balitang ito, sinabi ni Solidum na walang banta ng tsunami ang nakataas sa Pilipinas.

 
   
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION