MARCH 21, 2011 MONDAY
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
For your e-paper registration & subscription just click on the image below

SUPERLOTTO 6/49 DRAW
March 20, 2011

43-26-25-28-33-47
P59,725,090.80

11AM SUERTRES 6-1-5
4PM SUERTRES 9-5-5
9PM SUERTRES 9-6-2

EZ-2 11AM
23-29

EZ-2 4PM
10-06

EZ-2 9PM
10-12

Exchange Rate
March 20, 2011
As of 3:53 pm
U. States 43.5300
Bahrain Dinar 115.449
Euro 61.7097
HK Dollar 5.58055
Japan Yen 0.540141
Saudi Riyal 11.6069
S’pore Dollar 34.2002
Taiwan Dollar 1.46862
UAE Dirham 11.8517
UK Pound 70.6710
Sarah at Cristine, nagkabati na
ALLAN DIONES


NAGKABATI na sina Sarah Geronimo at Cristine Reyes.

Nagyakapan at nagkaayos ang dalawa kahapon pagkatapos ng ASAP Rocks kung saan mainstay si Sarah at nag-guest si Cristine.

Kuwento ni Sarah sa interview ng The Buzz, matagal na niyang gustong makausap si Cristine.

Pagkatapos ng lahat ng gulo ay gusto niyang mag-sorry sa nobya ng ex-boyfriend niyang si Rayver Cruz, wala lang pagkakataon.

Sey ng Pop Princess, maraming nagsasabi na masyadong masakit ‘yung nangyari para siya ang maunang humingi ng tawad kay Cristine.

Pero sa sarili niya ay gusto niyang mag-sorry para matapos na ang lahat dahil alam niyang nasaktan din si Cristine at kailangan niyang mag-apologize. 

‘Yung eyeliner ni Sa­rah na naiwan ng kanyang makeup artist sa ASAP dressing room ang na­ging daan para magkaroon siya ng dahilan na bumalik para kunin ito.

Nakatiyempo rin si Sarah nang umalis ang kanyang Mommy Divine na merong kukunin sa labas.

Kinuha niya ‘yung pagkakataong ‘yon para gumawa ng first move.

Naglakas loob siyang puntahan si Cristine.

Sakto naman na pala­bas ng kuwarto si Cristine.

Nagkatinginan silang dalawa at parang iiwas pa raw ang sexy young actress kaya tinawag niya ito ng “Cristine!!”

Aminado si Sarah na may takot din siya nu’ng time na ‘yon kung tatanggapin ba ni Cristine ang pakikipagbati niya o kung masasaktan siya sa gagawin niya.

So, ang ginawa niya ay niyakap na niya si Cristine at hindi na raw niya pinakawalan.

Sinabi niya sa dalaga na, “Cristine, wala akong intensyon (na saktan ka)…” habang magkaya­kap silang dalawa.

Esplika pa ni Sarah, kaya niya nilapitan si Rayver noon sa rehear­sal nila ng ASAP ay dahil gusto na niyang makipagbati para wala nang tensyon sa pagitan nila.

Sinabi niya sa binata na, “Merry Christmas, Ray.

Naaalala mo pa ba ako?

Ako si Sarah!” pero ganu’n lang daw ‘yon at wala siyang intensyong makipag-flirt sa binata.

‘Yung biro niya sa stage tungkol sa maga­ling magsayaw na habu­lin ng mga seksing babae ay para lang daw i-set ‘yung mood na okey na sila ni Rayver.

Ang nasabi lang daw sa kanya ni Cristine ay “Okay,” tapos ay nag-sorry rin ito sa kanya.

Nagulat si Sarah na teary-eyed din si Cristine, na natuwa rin na nagkaayo­s sila dahil hindi na sila mag-iiwasan pa.

Nakita ni Cristine si Mommy Divine at nag-sorry rin ito sa ina ni Sarah.

“I also told her na, ‘Cristine, naiintindihan kita. Inlab ka, eh!’

Sabi ko, ‘Nangyari rin ‘yan sa akin noon (ni Rayver)!’” sabay tingin ni Sarah sa madir niyang nasa audience at natatawang sinabihan niya ito ng, “Sorry, mommy! Sorry po! Ha! Ha! Ha! Mommy, I love you!”

Ayon kay Sarah, napangiti lang si Cristine sa hinirit niyang ‘yon. Very happy raw ito sa nangyari na natuldukan na ang hidwaan sa pagitan nila.

Nakakatuwa si Sa­rah habang nagkukuwento siya kahapon sa The Buzz, lalo na nu’ng tinanong ni Tito Boy Abunda silang dalawa ni Gerald Anderson tungkol sa pag-ibig.

Nang magdayalog si Sarah kay Gerald na dapat ay humingi ng guidance kay God kung sino ang taong dapat mahalin, binuweltahan siya ni Gerald kung ginawa niya ba ‘yon noon (nang mainlab siya kay Rayver).

Ang cute ng sagot ni Sarah na oo, kaya lang ay sobrang inlab siya nu’ng mga panahong ‘yon. “Blinded kasi, ‘teh!” ang pabaklang hirit ni Sarah, sabay tawa.

Bilib kami kay Sarah sa ginawa niyang ‘yon na siya pa ang unang gumawa ng paraan para mag­kabati sila ni Cristine.

Sobrang good karma ang balik no’n sa kanya kaya nangangamoy blockbuste­r ang movie nila ni Gerald na Catch Me… I’m in Love.

 

 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION