MARCH 21, 2011 MONDAY
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
For your e-paper registration & subscription just click on the image below

SUPERLOTTO 6/49 DRAW
March 20, 2011

43-26-25-28-33-47
P59,725,090.80

11AM SUERTRES 6-1-5
4PM SUERTRES 9-5-5
9PM SUERTRES 9-6-2

EZ-2 11AM
23-29

EZ-2 4PM
10-06

EZ-2 9PM
10-12

Exchange Rate
March 20, 2011
As of 3:53 pm
U. States 43.5300
Bahrain Dinar 115.449
Euro 61.7097
HK Dollar 5.58055
Japan Yen 0.540141
Saudi Riyal 11.6069
S’pore Dollar 34.2002
Taiwan Dollar 1.46862
UAE Dirham 11.8517
UK Pound 70.6710
Mga baklang user-friendly, nautakan ng beteranang singer-comedienne
REY PUMALOY


NAGBANGGAAN kamakailan ang isang singer-comedienne at ilang baklang performers nang mag-show sila sa abroad.

Hindi nagsalita nang husto si singer-comedienne tungkol sa pangyayari dahil ayaw niyang magamit siya ng mga baklang nameless.

Beterana sa showbiz si singer-comedienne at alam niyang humahanap ng pagkakataon ang mga user-friendly na bading para mapansin ng madla.

Pero pinatotohanan ni singer-comediene na FOUL ang ginawa sa kanya ng mga bading sa abroad.

Hindi nirespeto ng mga ito ang pagiging senior niya sa propesyon bilang performer.

Diin ni singer-comedienne, sa tagal na niya sa entertainment industry, never siyang nagkaroon ng kaaway na kapwa performer. 

Never niyang binigyan ng maasim na treatment ang mga kasamahan niya sa stage. 

Alam niya kasing pare-pareho lang silang nagpapatawa at nagha­hanapbuhay.

Hindi siya kailanman mai-insecure sa kahit na sinong baguhan dahil alam niya ang kanyang kakayahan at gusto niyang tumulong sa mga nagnanais na maging performer.

Pero naloka siya sa angas ng mga nakasama niya sa show.

Okey lang na maki­pagbiruan ang mga ito sa kanya dahil komedyana siya. 

Kaya lang, may mga hirit ang mga juding na nakakapagpainit ng ulo ni singer-comedienne.

Pagod na pagod si si­nger-comedienne sa paglala­kad nila sa pamamasyal nang pasimpleng nagtaray ang isang bakla.

Tinapik ni singer-comedienne ang pisngi ng bakla. 

Hindi naman iyon malakas.

Magkakakampi ang mga bading, kaya natunugan na ni singer-comedienne na puwede siyang pagtulungan ng mga ito.

Deadma si singer-comedienne para hindi masira ang diskarte niya sa pagtatanghal.

Sa sumunod na show nila, panggitna ang spot number ni si­nger-comedienne. 

Nag­lambing siya sa audience kung may mga barya-barya ang mga ito na puwedeng ibigay sa kanya. Natuwa ang audience at binigyan siya.

Hindi nagustuhan ng mga bakla ang ginawa ni singer-comedienne kaya nagpasaring ang mga ito sa stage nang sila na ang nakasalang.

Sey ng isang bakla, guest lang si singer-comedianne sa show nila, nanghingi pa ng pera.

Pumilig ang ulo ni singer-comedienne sa narinig pero pinanatili niya ang kanyang composure.

Hindi pa nakuntento ang mga bakla, pagbaba ng mga ito sa stage ay sinita ng isa si singer-comedienne sa panghihingi ng pera. 

Wala na raw magbibigay sa kanila dahil sa ginawa ni singer-comedienne.

Sagot ni singer-comedienne, hindi bawal ang maglambing. 

Kinabukasan, iniwas-iwasan na siya ng mga bakla na parang hindi sila magkakakilala.

Napag-isip-isip ni singer-comedienne na gagawing isyu sa kanya ng mga bakla ang tungkol sa tip.

Hindi nagkamali si singer-comedienne dahil pasimpleng sinisiraan siya ng mga bakla.

Kahit anong pasaring kay singer-comedienne ng mga bakla sa social network sites, hindi niya sinagot ang mga ito.

May mga press na gusto siyang interbyuhin, tumanggi siyang mag-comment. 

Ang inaasahang publicity ng mga bakla ay hindi nangyari.

Nakakangiti ngayon nang todo si singer-comedianne.

 

 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION