|
Mula umaga hanggang gabi ang sagupaan ng mga hackfight enthusiasts sa Miyerkules, Marso 23, dahil kasado na ang mahigit 250 entries para sa “Barkadahan Sa Pasay One-Cock Ulutan” ng Pasay City Cockpit.
Kabuuang P600,000 ang premyo rito at bagung-bago ang jackpot na Honda Civic Automatic na mapupunta sa 8th fastest win.
Pampagana sa unang 10 winners ang tig-iisang 14” color TV habang washing machine naman sa 11th hanggang 20th winners.
Naglalakihang cash prizes din ang ibibigay mula sa first hanggang 9th fastest win champs at may premyo rin sa slowest win.
Nakalaan ang P10,000 sa pinakamaraming inilaban; P10,000 sa pinakamaraming panalo; P10,000 sa pinakamaraming talo at P5,000 sa tabla.
Para sa mga detalye: 843-1746 at 816- 6750 (hanapin si Cheche o Ame).
|