November 17, 2009 Tuesday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
 
SEARCH Abante-Tonite
 
  HEADLINES
 
 
 
 
 
 
 
 
Abante Online
ENTERTAINMENT
 

Krista, nakakapag-init ng dugo!

(ABU TILAMZIK at JDO)

KAAKIT-AKIT at nakapag-iinit ng dugo ang posing ni Krista Ranillo sa 2010 calendar ng Ginebra San Miguel.
Ang nasabing kalendaryo ay makukuha na sa mga suking tindahan, kung saan mabibili rin ang pampainit na Ginebra San Miguel.
Hindi na bago kay Krista ang itambad ang kanyang sarili. Lumabas na siya sa seksing pelikula na Paupahan at nag-pose na bilang cover girl sa FHM (August 2008) at Maxim (May 2009).
“This is a big thing for me, a personal milestone in fact since I will be posing for Ginebra for the very time. This is sure to boost my career even further as I will reach more Filipino fans,” ani Krista.
Magandang karagdagan si Krista sa listahan ng Ginebra cover girls na sina Marian Rivera, Angelica Panganiban, Rufa Mae Quinto, Maureen Larrazabal, Rica Peralejo at Iwa Moto.
***
Maaga pa lang ay nagsimula nang mamudmod ng pamasko ang PLDT MyDSL kung saan araw-araw ay posibleng magwagi ng iba’t ibang multimedia packages sa raffle ang mga PLDT MyDSL at Watchpad subscriber.
Nagsimula ang raffle nu’ng Sabado sa Eat Bulaga at tuluy-tuloy na ito.
Tuwing Sabado ay may P25,000 na ipamimigay sa Eat Bulaga. Pagdating sa final draw may magwawagi ng P125,000.
Magkakaroon din ng PC at Broadband event na tinawag nilang Ultra Broadband na sinimulan na sa SM-MOA.
Sa November 20-22 ay sa SM North Edsa naman, at November 27-29 ay sa SM Bacoor.
Mapapanood ang live streaming ng UBB events at ang raffle sa Eat Bulaga sa Watchpad’s exclusive channel-MyView.
***
Nanatiling nangu­nguna sa primetime ang telenobelang Stairway to Heaven.
Lalong nagi­ging ka­pana-panabik ang kuwento nito lalo na nang bumalik sina Cholo (Dingdong Dantes) at Jodi (Rhian Ramos) sa beach house kaya buma­lik ang kanilang sweet moments.
Makayanan kaya ito ng hitad na si Eunice (Glaiza de Castro)?
Abangan ang mga eksenang ito!
*** 
Magsisimula ang ani­mated series na Super Inggo at ang Super Tropa sa Linggo (Nobyembre 22) nang 10:30 AM, pagkatapos ng Ma­tanglawin sa ABS-CBN 2.
Labintatlong linggo mapapanood ang mga pakikipagsapalaran ni Budong sa seryeng ito.
“We are very proud of this project,” sabi ni Raymund Dizon, Business Unit Head.
“Masasabi naming Pinoy na Pinoy ito.”
***
Sa ikapitong linggo ng Pinoy Big Brother Double Up, dalawang bagong housemates ang pumasok sa Bahay ni Kuya.
Ipinakilala sa publiko noong Linggo (Nov. 15) sina Rocky Salumbides at Sam Pinto.
Si Rocky ay isang 29-year old internatio­nal model na nali-link kay Eula Valdez. Me­ron siyang nude pictorial kung saan nakabuyangyang ang kanyang ari.
Produkto siya ng isang broken family.
Nanirahan ang pamil­ya nila sa barracks dahil miyembro ang ina niya sa football team ng Villa­mor Airbase. Naranasan niyang palipat-lipat ng tirahan at pumasok sa kung anu-anong trabaho dahil sa kahirapan.
Bago naging modelo, dati siyang taga-alaga ng baboy, construction worker, magbabalot, bakal-tingga boy, at forklift operator.
Si Sam ay mula sa mayamang pamilya. Hiwalay rin ang kanyang mga magulang. Ang kanyang ama ay may iba nang pamilya.
Ten years old pa lang si Sam nang mapasok siya sa modeling. Nga­yong nagdalaga na siya ay nagbida na siya sa tv commercials.
*** 
Sina Carol, Rob, Patria at Yuri ang nanga­nganib na lumabas ng Bahay ni Kuya.
Para iligtas sila, itext ang BB <space> NAME OF HOUSEMATE at i-send sa 2331 para sa Globe, TM, Sun Cellular at Bayan Wireless subscribers, o 231 para sa Smart at Talk N’ Text Subscribers.
Puwede ring bumoto sa www.pinoybigbrother.com.



 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES