November 20, 2008 Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
CRIME NEWS
 
Chairman binistay ng bala
(JB Salarzon)
 

Todas ang isang punong barangay matapos paulanan ng bala ng isang hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay Bantay, Tabuk City, Kalinga kamakalawa ng hapon.
Sa ulat na dumating sa Camp Crame, kinilala ng Cordillera Regional Police Office ang biktima na si Victor Dayagon, 41, residente ng nasabing barangay.
Isinugod si Dayagon sa Kalinga Hospital pero idineklarang dead on arrival ng mga doktor.
Nagtamo ng mahigit 20-tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Dayagon mula sa isang mataas na awtomatikong kalibre ng baril.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naglalakad diumano ang biktima at pauwi sa kanilang bahay sa Sitio Dalimuo dakong alas-2:30 ng hapon nang sumulpot ang salarin na may hawak ng mahabang baril at walang sabi-sabing niratrat ito.
Matapos ang pamamaril ay agad na tumalilis ang suspek.
Ayon pa Cordillera police, hindi malayong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang pumaslang kay Dayagon dahil umano sa aktibo nitong pakikipagtulungan sa mga maykapangyarihan sa kampanyang anti-insurgency sa lugar.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES