November 20, 2008 Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Rufa Mae, napaiyak sa sama ng loob
Joe Barrameda
 

NAPAIYAK si Rufa Mae Quinto sa sama ng loob nang pagdating niya sa SOP noong Linggo ay walang naka-assign sa kanyang task sa Sunday noontime show ng GMA 7.
Marked ABSENT pa siya sa araw na ‘yun gayung 10:00 AM pa lang ay nandoon na siya.
Wala raw nagsabi sa kanya beforehand na wala siyang gagawin for that show.
Sana, inabisuhan siya na hindi siya kailangang magpakita nu’ng Linggong ‘yun.
Na-feel namin na parang habag na habag sa sarili si Rufa Mae, na marami nang napatunayan bukod sa marami ring pro­jects.
Hindi mo masasabi na naghahanap pa ito ng exposure.
Ang sa kanya lang, bigyan siya ng due respect bilang very loyal Kapuso.
Ayon sa isang nakausap namin, isa si Rufa Mae sa mga artistang hindi binibigyan ng sakit ng ulo ang produksyon. Sunod lang daw ito nang sunod sa mga ipinagagawa sa kanya.
Maski ‘yung mga personal na paki ng iba ay pinagbibigyan niya dahil sa pakikisama. 
***
Hindi na kami nagulat sa balitang natanggap namin na lumagda na si Diether Ocampo ng apat na taong kontrata sa GMA 7.
Matagal nang gustong maglipat-bakod ni Diet pero napigilan siya ng ABS-CBN nang bigyan ng project.
Matapos ang Iisa Pa Lamang ay nakipagkita na ito sa mga GMA executives para sa nasabing paglipat.
May blessing daw ng ABS-CBN Star Magic bago pumirma si Diet ng kontrata sa Siyete.
Nakipag-brainstorming na si Diether sa production ng local version ng All About Eve.
***
Dinumog ng napakaraming tao ang premiere showing ng One True Love sa SM Megamall.
Napakatagal bago pumasok sa loob ng sinehan si Marian dahil inuna munang in-escort ni Dingdong Dantes si Iza Calzado bago ang ka-loveteam.
Hiyawan ang fans nang makitang magkasabay pumasok sina Marian at Dingdong.
Ang One True Love ay Graded B ng Cinema Evaluation Board, at rated PG 13 ng MTRCB.
***
Natuwa kami sa giveaways sa premiere ng One True Love.
Meron pang SIM card ng PLDT Landline plus na ipinamahagi ng PLDT with matching gift check.
In full force ang staff ng PLDT para magkaroon ng awareness ang kapaki-pa­ki­nabang na paggamit ng PLDT Landline plus na ine­endorso ni Marian Rivera.
***
Congrats sa Luna Mystica sa mataas na rating na nakuha nila sa pilot episode noong Monday.
Marami ang nag-abang dito lalo na ang mga kabataan na mahilig sa mga ganitong tema ng tele­serye.
Noong Monday ay nakaungos ito sa Gagambino, kaya ito ang may pinakamataas na rating sa lahat ng TV program sa araw na iyon!
***
Abala si Paolo Contis sa World Records at may bagong game show siyang iho-host.
Kahit busy si Paolo (na endorser ng Brit London shirts) ay pumayag siyang sumuporta kina Wally Ba­yola at Jose Manalo sa pelikulang Scaregivers.
Gayondin si Iza Calzado na abala sa shooting ng Desperadas 2 at taping ng Obra (napapanood tuwing Huwebes nang gabi sa GMA 7).
***
Si Ehra Madrigal na katatapos lang sa Codename: Asero at suporta rin sa Scaregivers ay nagha­handa para sa bagong teleserye pero hindi pa niya pwede itong sabihin.
Pwede pa kasing mabago ang kahit ano na hindi pa inuumpisahan.
Sa kagandahan ni Ehra ay maraming lalaki ang aali-aligid at pinagnanasaan siya. Hindi alam ng iba na may boyfriend na ito, si DJ Mike na sumali noon sa Mossimo Bikini Summit. Apat na taon na ang kanilang relasyon.
Malaki ang tiwala ni Ehra sa boyfriend kahit alam niya na marami rin ang nagkakainteres dito.
Sabagay, sa ganda ni Ehra ay walang mawawala sa kanya. Mas malaking kawalan ng lalaki si Ehra.
Happy naman si Ehra sa pagbabati ng kanyang na­kababatang kapatid na si Michelle kay Pauleen Luna.
Aminado si Ehra na nu’ng kabataan ng kapatid ay maraming pinagdaanan itong problema.
Ngayon ay mas mature at maayos na ang takbo ng buhay ni Michelle.
Dalawa lang silang buong magkapatid at masakit para sa kanya ang kung ano mang problema mayroon si Michelle.
***
Naging panauhin sa Bubble Gang at Nuts Entertainment ang Japanese actor na si Jacky Woo.
Nag-enjoy siya nang husto sa pakikipagtsikahan sa mga artistang mainstay ng programa. Kamakailan lamang ay ginawaran ng honorary citizenship si Jacky ng Barangay Concepcion sa bayan ng Papaya, Nueva Ecija dahil sa tuluy-tuloy na pagtulong niya sa malnourished children ng barangay.
May special feeding at nutrition program si Jacky na matagal na niyang ginagawa.
Malugod siyang tinanggap ng mga opisyales ng barangay sa pangunguna ni ABC Chairman Edgardo Bote.
Ginawaran din si Jacky ng mga opiyales ng probinsya bilang adoptive son ng Nueva Ecija.
Lalong dumarami ang mga kaibigan ni Jacky sa Pilipinas.
 

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES