November 20, 2008 Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Ehra, nag-aaral ng artistic make-up
Jun Lalin
 

MASAYANG-MASAYA ang pamilya Gutierrez kahapon dahil clear of cancer cells ang resulta ng biopsy ni Annabelle Rama.
Nang tawagan ko si Tita Annabelle kahapon nang hapon ay halatang masaya na ang kanyang boses.
“Nandito sina Richar­d at Raymond kasama si Bubbles (Paraiso),” sey ni Bisaya.
Kahapon nang umaga ay medyo malungkot pa ang text message ni Ruffa kaugnay ng kalagayan ng kanyang ina.
Masakit kasi ang sto­mach ni Tita Annabelle dahil may konting infection ang operasyon ng kanyang ina.
Pero ‘yung kalungkutang ‘yon ni Ruffa ay napawi dahil walang cancer cells ang kanyang ina.
Naiyak sa tuwa si Ruffa!
Kundi lang may taping ng I ♥ Betty La Fea kahapon ay gusto na sanang pumunta kaagad ni Ruffa sa Asian Hospital para dalawin si Tita Annabelle.
Bukod sa mga anak ni Tita Annabelle, tuwang-tuwa rin ang mister niyang si Eddie Gutierrez sa magandang balitang ‘yon.
Naniniwala si Tito Eddie na mas bibilis ang recovery ni Bisaya mula sa hysterectomy procedure na ginawa rito noong Sabado.
Si Tito Eddie na dumaan sa angioplasty procedure two weeks ago ay mabilis din ang recovery at twice nang nakapag-golf.
***
Dahil hindi pa masyadong busy at katatapos lang ng Codename: Asero ay nagdesisyon si Ehra Madrigal na kumuha ng short course sa La Salle College International-Manila (iba ito sa De La Salle University).
Artistic make-up ang short course na kinuha ni Ehra at tuwing Sabado ang kanyang klase.
“Bale seven sessions lang ito. Every session, required kami to bring a model para makapag-practice kami ng pag-a-apply ng make-up,” sabi ni Ehra.
Kapag pumasa, magkakaroon ng international certificate si Ehra.
Dahil sa short course na kinukuha, pwedeng si Ehra na lang ang mag-make-up sa sarili kapag may mga event siyang pinupuntahan.
“Minsan kasi, wala na talagang time na dumaan sa parlor. At least, pwedeng ako na mismo ang mag-ayos sa sarili ko,” pahayag ng young actress.
***
Aminado si Michelle Madrigal na malaki ang naitulong sa kanya ng tuluyan nilang pagbabati ni Pauleen Luna para lalo siyang ganahan sa taping ng Luna Mystica.
Noong una ay naiisip niyang makakaapekto sa akting nila ni Pauleen kung magsisimula ang taping nila na may away pa rin sila.
“At least, ok na po kami ngayon. Mas magiging effective kami sa mga eksena namin,” sabi ni Michelle.
Kung anuman ang naging issue sa pagitan nila ni Pauleen ay tapos na tapos na at hindi na niya gustong i-discuss.
***
Nakita ko sa Power Plant mall noong isang gabi sina Toni Gonzaga at Paul Soriano.
Sweet talaga ang mag-sweetheart.
Kasama nila ang sister ni Toni, ang Juicy host na si Alex Gonzaga.
Manonood daw sila ng movie.
Unang lumapit sa akin si Alex at sumunod si Toni na nakipagtsika-tsika.
Maya-maya ay lumapit ang director-boyfriend ni Toni at tsumika rin sa akin.
Ma-PR na rin itong si Direk Paul.
Nahawa na yata sa magkapatid na Toni at Alex.
***
For feedback, email junlalin@gmail.com

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES