November 20, 2008 Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 

Presidente ng GMA Films, nagmukhang STALKER!

(ALLAN DIONES)
 

MERON sana kaming gustong ipakiusap kaugnay sa One True Love ng GMA Films.
Kung maaari, sana sa susunod ay ipaubaya na ni Atty. Annette Gozon-Abrogar (GMA Films President) ang pagsusulat ng script sa mga mahuhusay na screenwriter at pagtuunan na lang niya ng pansin ang pagpo-produce.
Sana rin ay may magsabi sa kanilang dalawa ni Joey Abacan (Vice President for Program Management ng GMA Films) na tigilan na nila ang pag-extra-extra o paglabas-labas sa mga pelikula ng GMA Films dahil nakakabawas ito ng kanilang ‘premium’ bilang producer.
Maraming beses na nila itong ginawa sa mga nakaraang pelikula ng GMA Films, pero hindi na nakakatuwa na nagmimis­tulang katatawanan na sila sa showbiz press, na palagi na lang inaabangan o hinuhulaan kung kailan sila biglang susulpot sa eksena.
Dalawang scenes ni Iza Calzado (isa sa bar at isa sa coffee shop) ang nandu’n si Ms. Annette. Ano ‘yon, stalker ba siya ni Iza?
Sa confrontation scene nina Marian Rivera at Iza, nakaka-distract na habang nagda-drama si Marian ay nakababad sa right corner ng screen si Joey Abacan gayong pwedeng wala si Joey sa background.
Lumalabas na may basbas ng direktor ng pelikula na si Mac Alejandre ang ‘exposure’ na ‘yon nina Ms. Annette at Joey. Harinawang sa mga susunod na GMA Films projects ay huwag na itong i-tolerate ng mga direktor.
Mabait sa amin si Joey Abacan, pero sana ay huwag niyang masamain ang suhestiyon namin dahil para sa kanila rin ‘yon ni Ms. Annette.
Kung gusto nilang napapanood ang sarili nila sa screen, sana ay nag-artista na lang sila.
Mabubuting tao at masisipag na artista sina Dingdong, Marian at Iza, kaya para sa kanilang tatlo ay wish naming magtagumpay sa takilya ang One True Love.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES