November 20, 2008 Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
OTHER NEWS
 
 
Solon astang sanggol
Bernard Taguinod

Bagama’t damatan na, nag-aasal sanggol pa ang isang beteranong mambabatas as in naglalaro ng laway sa harap ng mga committee hearing sa Kongreso.
Ito ang nasaksihan mismo ng DPA ng TONITE sa impeachment proceedings na hindi inaabsenan ng mambabatas na ito dahil isa siya sa mga loyal ally ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Kahit ang mga kapwa mambabatas ay nandidiri sa pinaggagawa ng mambabatas sa kanyang darili at bibig habang naghihintay na mag-adjourn.
Noong una, inakala ng DPA ng TONITE na lihim na nananalangin lang ang mambabatas dahil nakaporma ang kanyang mga palad na animo’y nagdadasal.
Lingid sa kaalaman ng lahat, nakapasok pala ang dalawang hinlalaki ng mambabatas sa kanyang bibig na animo’y sanggol na sumususo.
Ang malupit, panaka-nakang inilalayo ng mambabatas ang kanyang kamay sa bibig at dahil nakasubo ang dalawang hinlalaki nito sa kanyang bibig ay hindi maiiwasang may sumasamang laway (yuck).
Hindi pa nakuntento, tinititigan pa ng mambabatas ang laway sa kanyang mga hinlalaki at saka ibinabalik sa bibig.
Buong akala ng mambabatas na walang nakakapansin sa kanyang pagti-trip sa committee room kaya hindi nito alam na marami nang nandidiri sa kanya.
Hindi naman masisisi ang mambabatas na laruin na lamang ang kanyang sarili dahil walang nagtitiyagang kumakausap dito kahit sa loob ng session hall ng Kongreso.
Animo’y may sariling mundo kasi ang mambabatas kaya kung hindi nilalaro ang sarili ay kinakausap na lamang nito ang kanyang anino kaya nabansagan itong “Golum 1” tulad ng karakter sa Lord of the Ring. Ito rin marahil ang dahilan kaya hanggang ngayon ay wala pang sariling pamilya ang mambabatas.
Clue: Maimpluwensya ang tatay ng mambabatas na ito na nababahala na dahil malabo nang magkaapo. Mayroon siyang inisyal na G as in Golum 1.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES