November 20, 2008 Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
20-MINUTO SA KAMAY NG DEMONYO
Ni Nonnie Ferriol
 


Sinakmal ng lagim ang gabi ng isang pamil­ya matapos na bihagin at igapos ng tinatayang dalawampung minuto at magkakasamang ikulong sa loob ng silid bago nilimas ng mga miyembro ng ‘Gapos Gang’ ang kanilang kabahayan sa Pasig City kamakalawa.
Kabilang sa nadale ay ang isang mag-ama, apo at kasambahay. Itinali ang mga ito ng apat na miyem­bro ng kilabot na sindikato na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril at niransak ang buong bahay at tinangay ang higit-kumulang sa P.5 milyon halaga ng salapi at ari-arian.
Sa inisyal na report na isinumite kay Supt. Ramiro Bausa, hepe ng Pasig City Police, ni Chief Insp. Reydante Ariza, chief ng Station Investigation Division (SID), nakilala ang mag-amang biktima na sina Emeterio Cedo y Vergara, 61; negosyante, Jo-Anne Cedo y Montes, 30; dalaga, empleyado ng Nestle Phil. Inc., at ang 13-anyos na apo na si Joanna Gabrielle y Montes, estudyante ng Saint Paul University, at ang kasambahay ng pamilya na si Abegail Roleda y Leonida, pawang naninirahan sa No. 32 Felipe Pike St., Bgy. Bagong Ilog, ng nasabing lungsod.
Sa imbestigasyon ni PO1 Christopher Abeleda, naganap ang insidente dakong alas-8:15 ng gabi. Namamalantsa umano ang kasambahay na si Roleda sa sala ng pinapasukang bahay nang puwersahan umanong pumasok sa gate ang apat na suspek na armado ng baril.
Agad na tinutukan ng baril ng mga suspek ang walang kalaban-laban na mga biktima at para makasigurado na hindi umano makakalabas ng bahay ang mga ito ay sama-samang itinali ang mga paa ng mga biktima bago ikinulong sa kuwarto ng dalagang si Jo-Anne.
Kasunod nito ay hinalughog ng mga suspek ang kabahayan at tina­ngay ang humigit-kumulang sa P20,000 cash; US$100, mga alahas na tinata­yang nagkakahalaga ng P200,000; mamaha­ling kagamitan tulad ng cellphone, DVD players, da­lawang speakers, magic sing microphone, portable playstation, camera, iPOD, portable DVD at gameboy nintendo.
Matapos makuha ang lahat ng pakay ng mga suspek na halos nagtagal lang umano ng dalawampung minuto ay mabilis na nagsitakas ang mga ito lulan ng isang kulay pu­ting sasakyan na walang plaka.
Patuloy naman ngayon na nagsasagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad para madakip ang mga suspek.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES