November 20, 2008 Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
M’cañang nadudulas na sa term extension
(BT, JBS, RM)
 

Kinantyawan ng mga kritiko ng administrasyon ang kontrobersyal na panalangin ni Press Secretary Jesus Dureza na mapalawig pa ang termino ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Habang si dating Pangulong Joseph Estrada, nagpahayag namang hindi dapat idamay ng mga alagad ni Pangulong Arroyo ang Panginoong Diyos.
Sa magkakahiwalay na panayam, imbes na mainis, natuwa pa ang mga opposition solons dahil naibuko ni Dureza ang katotohanan na pilit na itinatanggi ng administrasyon at ito ay ang pagnanais ni Arroyo na manatili sa kapangyarihan kahit matapos ang kanyang termino.
“It’s a Freudian slip or Malacañang slip showing. Ibig sabihin ‘yung mga dapat hindi nila ipinakita, naipakita na nila. Itinatago pero ipinakita din,” pahayag ni Gabriela party-list Rep. Liza Maza.
Patunay lamang umano ito na may agenda ang administrasyon na gagawin ang lahat manatili lamang si Arroyo sa kapangyarihan.
“Parang tine-test nila ang water. Inaalam nila kung ano ang reaksyon ng mga tao. Hit and miss tactic,” pahayag naman ni Makati Rep. Abigail Binay, anak ni Makati Mayor Jejomar Binay na nagdeklara na ng kanyang presidential ambition.
Nagbabala naman si dating Pangulong Estrada na mas lalong magkakagulo ang bansa sa binabalak ng mga kampon ni Arroyo na panatilihin ito sa puwesto pagkatapos ng termino.
“Eh pati Panginoon, isinasali nila sa kalokohan nila, huwag sanang ganun, at sobra-sobra na sila, baka magkagulo na kung ganun ang iniisip nila,” reaksyon ni Estrada.
Noong umaga ng Martes, nagulantang si Arroyo sampu ng mga kasama sa cabinet meeting sa naging panalangin ni Dureza.
“Let us pause...Lord bless this...let me say it from the heart Lord (inaudible) bless the members of the Cabinet that they may be able to attend to their affairs more importantly the affairs of the state oh Lord. Bless the members of the cabinet... Bless also those who feel that the President can (inaudible) the storm. Bless the President so we will have forbearance, good health, the tolerance to lead this nation up to 2010 and perhaps who knows even beyond,” bahagi ng transcript ng kontrobersyal na opening prayer ni Dureza.
“Oh my God,” ito ang unang reaksyon ng Pangulo pagkarinig sa dasal ni Dureza bago nagtakip ng mukha at nakiusap sa media na off the record ang nasabing dasal.
“That prayer was off the record, so why don’t we get everybody seated. Please tama na, tama na,” naging pahayag ng Pangulo.
Ipinangako kahapon ng kampo ni Pangulong Arroyo na bababa ito sa puwesto sa 2010.
“The President said she is stepping down by 2010, we just have to believe in the spoken words and statement by the President,” ani Executive Secretary Eduardo Ermita.
Kaugnay naman ng kontrobersyal na panalangin ni Dureza, sinabi ni Ermita na kung siya ang tatanungin ay dapat seryoso ang mga panalangin dahil ito ay pakiki­pag-usap sa Diyos. Aniya, hindi niya tinutukoy si Dureza at iginagalang ang naging paliwanag nito na biro lamang ang kontro­bersyal na pa­nalangin.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES