November 20, 2008 Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
Sabit sa Peru trip natapyasan
(Rose Miranda)
 

Mula sa dating apatnapung kongresista na sasa­bit umano sa Peru trip ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bukas ay natapyas na lamang ang mga ito sa bilang na walo.
Ito ang kinumpirma kahapon ni Executive Secretary Eduardo Ermita base sa ulat ni Presidential Adviser on Political Affairs Gabriel Claudio, ilang araw matapos na ibunyag ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño na 40 kongresista ang kasama sa delegasyon ni Pangulong Arroyo sa Asia-Pacific Econo­mic Cooperation (APEC) summit sa Peru, bagay na kaduda-duda umano dahil kasalukuyang dinidinig ng Kamara ang impeachment complaint laban sa Chief Executive.
Base sa talaan, higit pang mas marami ang bilang ng mga opisyal at tauhan ng ehekutibo na sasama sa delegasyon dahil 19 ang kumpirmado na kasama mula rito, 11 mula sa Office of the President (OP), tatlo mula sa iba’t ibang government agencies at limang high-ranking officials sa katauhan nina Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Roberto Romulo, DFA Undersecretary Edsel Custodio, Press Secretary Jesus Dureza at da­ting DFA Secretary Alberto Romulo.
Hindi naman binanggit ni Ermita kung bakit nagbago ang isip ng mga kongresista na unang nagpahayag ng pagnanais na makasama sa APEC summit.
Matapos ang APEC summit ay sasaglit si Pangulong Arroyo sa Colombia bago bumalik sa bansa sa darating na linggo.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES