Dear Dra Holmes:
Hello po... matagal ko nang gusto na magtanong po sa inyo kaya kasi po lagi ko pong binabasa ang site n’yo po... Sa pananaw n’yo po, gaano po ba ka-importante ang pagpapakasal? Paano po ba mala2man f ang lalaki ay handa na ito sa ganoong commitment?
Tama po bang babae po ang magtanong ukol dito? Natanong ko po ito dahil sa sitwasyon ko po... Kami po ng bf ko eh nagsasama na ng 4 yrs. at my dalwang anak na pero d pa po kami kasal. Noon naba2nggt n’ya pero alangan po ako kasi, ayoko po namn magpakasal nun dhil lng nabuntis po ako pero ngyong 2 na anak namin eh parang ‘di na nya nab2nggit... ewan ko po gusto ko po sana ask ko sa kanya about dito pero parang my pumipigil sa akin kasi ayaw ko pong pangunahan s’ya, baka negative ang sabhin.
Kaya hinihingi ko po ang pananaw n’yo po ukol dito... nagmamahalan naman po kami at lagi n’ya sinsabi na tatanda kaming magkasama... lumalaki na rin po kasi ang mga anak namin at s’yempre po ang mga sinasabi ng mga kamag-anak namin kung bakit ‘di pa kami pakasal... ano po kaya ang options o map2yo nyo po sa akin... aasahan ko po ang inyong sagot, maraming salamat po -- Tessa
Dear Tessa:
Maraming salamat sa iyong sulat. Mahirap talagang i-open ang topic na ito dahil, gaya nang nasulat mo, nag-aalala ka kung negative ang kanyang sagot. Pero sana, makumbinsi mo sa sarili mo na mas mabuting malaman na ang katotohanan (handa ba siyang ipakasal ka o hindi) kaysa masaktan kung hindi siya sumang-ayon. At least, masasaktan ka lang hanggang maghiwalay kayo, kaysa lagi kong hindi alam saan ka tatabi(?) dahil hindi ka sigurado sa pagmamahal ng iyong partner.
Pero worse case scenario ‘yan sa taas, Tessa. Palagay ko, hindi aabot ang inyong sitwasyon sa ganun, dahil (1) binanggit naman niya na gusto niyang magpakasal noong una; at (2) nagmamahalan kayo.
Para bang pinapaalala mo ito sa kanya at kung sagot niya ay, mahalaga pa ba iyon sa iyo? E, malalaki na ang ating mga anak at alam mo ikaw ang
aking mahal?
Ang sagot mo ay simpleng “oo (mahalaga ito sa akin)”
At kung sabihin naman niyang “papel lang ‘yan at balewala sa akin ang papel.”
“Pero mahalaga sa akin ‘yung isip mong ‘papel’ lang, at kung balewala naman ito sa iyo, sana pagbigyan mo naman ako sa isang bagay na mahalaga sa akin.”
Kapag hindi pa siya pumayag, sana ay sulatan mo naman ako para maisip natin ang PART 2. Ingat -- MG Holmes
***
Si Dra. Holmes ay resource person sa Umagang Kay Ganda tuwing Martes sa ABS-CBN. Siya rin ay sumusulat sa Abante TONITE tuwing Martes at Huwebes at sa Abante tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes. Sulatan siya sa kaniyang website www.margaritaholmes.com. Ikinalulungkot niya na hindi niya kayo masagot ng personal.