November 20, 2008 Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
SPORTS NEWS


Distrito ‘di pa makakalabas

Column Title ni: Malou Aquino
 
Sa unang pagkakataon noong Lunes ay nag-bonding ang mga miyembro ng RP Team na napili ni coach Yeng Guiao.
Nagkita-kita ang grupo sa Kamayan-Edsa para sa isang dinner, na dinaluhan maging nina ex-Senator Robert Jaworski, coach Chot Reyes, Commissioner Sonny Barrios at team manager Tony Chua.
Tanging si Kelly Williams ng Sta. Lucia ang hindi nakadalo, dahil nagpapagaling ng eye injury.
Ayon kay coach Guiao, open pa ang national team para sa mga nais mapabilang ditto. Magtungo lamang sa praktis at siyempre, kailangang magpakitang-gilas.
Kabilang sa mga napiling manlalaro ni coach Guiao na sasailalim sa training ay sina Asi Taulava, Mick Pinnisi, James Yap, Kerby Raymundo, Cyrus Baguio, Ranidel de Ocampo, Arwind Santos, Sonny Thoss, Willie Miller, Jared Dilinger, Gabe Norwood, Jayjay Helterbrand at Ryan Reyes.
***
Nakakalungkot naman ang nasagap naming balita hinggil kay Rudy Distrito, dating PBA player.
Ayon kay Abe King ng PBA Legends USA Foundation, ibinasura daw ang request ng abogado ni Distrito na bigyan ng parole ang dating player.
Anim na taon nang nakakulong si Distrito sa Amerika, matapos mahatulan sa salang pagpatay umano sa isang Mexican.
Isama po natin sa ating panalangin na sana’y mabigyan ng parole si Distrito sa 2009. Ang sabi kasi’y sa buwan ng Setyembre (2009) malalaman kung mapagbibigyan na ang kahilingan nitong parole.
***
Kailangan daw mag-improve ang depensa ni Mac Cardona para magkaroon siya ng puwang sa RP Team. Walang problema ang pagiging scorer ng player, dahil mahusay talaga itong shooter. Kaya lamang ay malaking bagay ang depensa.
At hindi rin isinasara ni coach Guiao kay Cardona ang pintuan ng national squad.
***
May isa pang sikat na player ang nakatakdang ipamigay ng kanyang koponan. Ang player ay isang mahusay na point guard.
Marami na nga ang nagtataka kung bakit madalang gamitin ng coach ang naturang player, sa kabila ng pagiging mahusay nito.
Kaya naman mismong ang player na daw ang nagsabing gusto na rin niyang umalis sa koponan.

 


Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES