May dalawang linggong nakalipas na mula ng unang blockbuster trade ng NBA season. At kung sakaling hindi nyo ito namalayan o napansin, ito yung trade na ipiangpalit ng Denver Nuggets at Detroit Pistons and kanilang mga star point guards na sina Allen Iverson at Chauncey Billups. Maraming nagulat sa trade dahil pagka-biglaan nito at lalo na dahil maaga pa sa season. Dahil din kaagahan sa season, maraming nag-taka bakit hindi nalang ito ginawa bago pa magsimula nag season para makapag-gel pa sa kani-kanilang mga bagong team sa training camp. Ano man ang angal ng ilan, naandito na yung trade at nagsimula na sila kanya-kanyang bagong buhay.
Sa mga blockbuster trade na gingawa sa NBA may tatlong klase, mayroon na lumamang ang Team A sa Team B, meron naman mas panalo sa trade ang Team B sa Team A, at meron ding trade na pinaka-gusto ng lahat, ang Win-Win scenario. Aling trade ang naganap para sa Pistons at Nuggets?
Una kilatisin natin ang tipo nilang mga player. Kung masugid kayong taga-subaybay ng dalawa, siugrado ako mag-aagree kayo na magkaibang tipong player si Iverson at Billups. Una si Iverson ay mas masasbi nating scoring point guar, at minsan pa nga 2 guard. Grabe ang liksi, bilis, at athletic ability nito. Kaya naman laging nasa Top 10 halos ng scoring sa NBA taon-taon. Kaso ang mga kahinaan naman ni Iverson ay ang kanyang depensa. Oo mataas sya mag-average ng steals. Pero steals lang ba ang basehan ng isang magaling na defensive player? Hindi po. Kaya’t maraming nagsasabi hindi ganun kahusay sa depensa sa Iverson. Isa pang aspeto na may kahinaan sa Iverson ay ang kanyang # point shooting at freethrow shooting lalo na pagkinumpara kay Billups.
Si Billups naman ay mas playmaker ang style kumpara kayh Iverson. Mataas nga mag-average ng assits si Iverson, pero ito’y dahil sa mga kick out pass nya kapag naiipit na sya sa mga double at minsan triple team. Pero kung team execution at leadership ang paguusapan, si Billups ang lamang dyan. Si Billups, tuald ni Iverson ay matinik din kapag nasubukan sa mga game winning clutch shots. Mahaba na ang listahan ng parehong player kapag sila ang inasahan at the game is on the line ika nga.
Kapag ipinasok mo na sila sa team nila ngayon, ano ang nagiging epekto? Sa Detroit, tingin ko bumaba na ang 3 point shooting nila mula sa point guard spot. Lalo na’t mahina din sa 3 points si Rodney Stuckey, ang back-up ni Iverson. Pero ito naman ang kaunahang player ng Detroit na certified Superstar. Marmin ngang magagaling sa Pistons pero lahat sila ay magagaling na role players at walang Superstar ika nga. Hihina din ang depensa nila sa point guard spot kundi tutulong si Stuckey at magsasabay sila ni Iverson. Sa ngayon 3 wins ang 3 losses ang Pistons mula ang trade at isa na sa tinalo nila ay nag Lakers. Sa Denver naman 4 wins and 2 losses na mula nu’ng trade. Leadership talaga ang dala ni Billups sa team bagama’t babagal ng bahagya ang opensa. Pero at least ngayon, maliwanag kung sino ang go-to guy sa clutch shots, si Carmelo Anthony na ‘yun. At hindi na magdadalawang isip pa ang Nuggets kung si Iverson o si Melo ang titira sa endgame. Pero dahil si Melo na lang ang superstar, makakakuha siya ng mga double team at malamang maraming kickout pass ang mabibigay n’ya kay Billups na sanay siyang mag-shoot ito pag game winning time na.
Sumatotal, sino ba ang lamang sa trade na ito? Sa aking pananaw, win-win ito para sa parehong koponan. Nakuha na nila ang matagal na nilang inaasam. Sa Detroit ang isang super scoring guard at sa Denver naman isang veteran playmaker na may deadly 3 point shot. I-enjoy na lang natin ang panonood sa mga laro ng Pistons at Nuggets at tignan natin kung sino ang mas malayo ang maabot!
|