Parehong nasilat ang mga nangunguna sa standings na Alaska Milk at San Miguel Beer sa dalawang pares ng laro sa Araneta Coliseum kagabi.
 |
SA’N KA PUPUNTA?--- Akala mo’y naglalaro ng patintero sina Willie Miller ng Alaska at Ryan Araña ng Rain or Shine, sa kanilang laro kagabi sa KFC-PBA Philippine Cup sa Big Dome. (John Paulino)
|
Nagsalansan ng mga bagong career-highs na puntos sina Joseph Yeo at Norman Gonzales para punan ang pagkawala nina Kelly Williams at Ryan Reyes tungo sa pagkubabaw ng Sta. Lucia Realty sa San Miguel sa ikalawang laro ng 2008-09 KFC PBA Philippine Cup.
Walang nakapigil kay Yeo sa pagkamada ng 38 points, si Gonzales ay bumitaw ng 25 points at nagbaba ng 10 boards para pangunahan ang Realtors sa 100-95 win kontra Beermen. Naiganti rin ng defending champion Sta. Lucia ang 89-71 loss nila sa SMB noong Oct. 30.
Bago ang laro ay nag-a-average lang si Yeo ng 11.1 points per game, habang si Gonzales ay may 7.1 ppg average. May tigatlo silang tres.
May eye injury si Williams matapos masundutan noong huling laro nila laban sa Rain or Shine, samantalang limang laro nang hindi sumasalang si Reyes dahil sa back spasm.
Gumulong sa ikatlong dikit na panalo, umangat sa ikatlong puwesto ang SLR (6-4) pero kahit natalo ay hindi natinag sa second place ang SMB (7-4), tulad ng Aces na nanatili sa tuktok (8-3) kahit dinaig din sa unang pagkakataon ng Rain or Shine.
Nagpakawala ng 16-0 run mula sa huling tatlong minuto ng first half hanggang unang tatlong minuto ng third quarter ang San Miguel kaya lumamang sa 48-42, pero dalawang minuto bago ang fourth ay ang Realtors naman ang rumatsada ng 11-0 run para muling agawin ang manibela, 69-55.
Hindi na nakalapit ng mas mababa sa limang puntos ang Beermen mula roon. Sa huling minuto ng laro ay nagpiyesta na sa freethrow line si Yeo, 13-of-15 mula sa stripe.
Sa pambungad na laro, sa unang pagkakataon sapul nang sumali sa liga noong 2006 at sa ika-10 paghaharap ay tinalo na rin sa wakas ng Rain or Shine ang Aces, 92-88.
Bumitaw si Jay-R Reyes ng personal conference-high 24 points sa likod ng career-best 5-for-5 shooting mula sa 3-point area na sinahugan pa ng 11 rebounds, three assists at two blocked shots tungo sa pag-akyat ng Elasto Painters sa solo 4th sa 6-5 kartada..
Box Scores:
First Game:
Rain or Shine 92 - Reyes 24, Mercado 20, Norwood 12, Wainwright 12, Salangsang 9, Isip 5, Arana 4, Ibanes 4, Laure 2, Tang 0
Alaska Milk 88 - Miller 29, Dela Cruz 13, Thoss 12, De Vance 11, Ferriols 8, Hugnatan 6, Cariaso 6, Fonacier 3, Tenorio 0
Quarterscores: 23-15, 42-42, 67-61, 92-88
Second Game:
Sta. Lucia Realty 100 - Yeo 38, Gonzales 25, Mendoza 14, Omolon 8, Gregorio 7, Aquino 3, Daa 2, Espino 2, Miranda 1, Jaime 0, Coronel 0
San Miguel Beer 95 - Custodio 19, Tugade 15, Washington 14, Villanueva 13, Pena 10, Pennisi 9, Bono 8, Gonzales 7, Eman 0, Racela 0, Calaguio 0, Hontiveros 0
Quarterscores: 29-24, 42-38, 69-55, 100-95