Oct. 02, 2008 -Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
NEWS NEWS
HOME
HEADLINES EDITORIAL AND OPINIONS
Abante Online
ENTERTAINMENT
 

Joyce, takot na takot sa aksidente

Anak ni Inah, kilay-Bautista!

Abu Tilamzik
 

UMALIS patungong Hong Kong nu’ng Lunes sina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Michelle van Eimeren, ang dalawang anak nina Ogie at Michelle na sina Leila at Sa­rah, at si Mark Murrow.
Ipinangako ni Ogie sa dalawang anak niya na ili­libot niya ang mga ito sa Hong Kong Disneyland.
Maganda sana silang tingnan na magkakasamang namamasyal sa Hongkong.
Nagulat daw ang mga taga-NAIA nang nakita nilang magkasamang umalis na parang ang sasaya nila. Pinagkaguluhan sila sa airport lalo na ang panganay na anak na si Leila na masayang nakipag­tsikahan sa mga taga-airport.
Hindi pa tiyak kung ngayong araw o bukas ang balik nina Regine at Ogie.
Wala pa raw schedule sina Michelle. Baka tumuloy na sila pabalik ng Australia.
***
Lumabas na si Joyce Jimenez sa Medical City kahapon nang umaga.
Kinumpirma ng kanyang doktor na okay na okay na ang aktres at kahit ang ilang stitches na tahi sa noo ni Joyce ay hindi gaanong mapapansin ‘pag gumaling na.
Magaling na plastic surgery ang nagtahi sa sugat sa noo ni Joyce kaya ilang linggo lang ay wala raw tayong makikitang trace ng mga sugat na sanhi ng aksidente.
Masayang-masaya si Joyce nang nadatnan namin sa hospital kahapon dahil dumating ang asawa niyang si Paul Ely Egbalic kahapon nang umaga para matingnan kung talagang safe na siya.
First time daw na naranasan ni Joyce ang maaksidente sa kotse kaya takot na takot siya at nag-iiyak sa telepono nang nakausap niya ang kanyang asawa.
Mabuti’t hindi pa nagsimulang mag-training ang asawa niya sa Georgia kaya sumaglit na muna ito sa Pilipinas para madalaw si Joyce.
Baka dito raw nila mabuo ang honeymoon na matagal na sana nilang gustong gawin.
Pakikiramdaman pa raw muna nila ang kalagayan ni Joyce bago nila planuhin kung saan sila magbabakasyon.
Masama ang loob ni Joyce sa driver ng trak na nag-overtake sa kanila dahil wala man lang daw ginawa sa kanila kundi tinakbuhan pa.
Mabuti’t maraming magagandang loob ang sumaklolo at naghatid sa kanila sa pinakamalapit na ospital.
Kasabay ni Joyce na lumabas ng ospital kahapon ang kanyang road manager na si Donboy Espiritu na nabugbog nang husto.
***
Bukas o Sabado na lalabas ng ospital si Inah Revilla na excited nang alagaan ang baby girl nila ni Vince.
Dalawang araw na hindi nagsasalita si Inah dahil kailangan niyang magpahinga pagkatapos ng caesarian operation.
Base sa description ni Lani, magkahalong Bautista at Del Rosario ang mukha ng baby pero talagang nakuha nito ang mata at kilay ng Bautista.
Gusto na rin nina Sen. Bong at Lani na maka­labas ng ospital si Inah para buo na ang pagbabantay nila sa kanilang Daddy na dating Sen. Ramon Revilla Sr., na nasa St. Luke’s Hospital pa rin.
Text na ipinadala ni Andrea Bautista-Ynares, “Thank you very much for your prayers and concern. We are very grateful to all who remember us in this time of crisis. God bless you as always.”
May improvement na raw ang kalagayan nga­yon ng kanilang Daddy na inoobserbahan pa rin nang 48 hours.
Kapag okay ang resulta pagkatapos niyang maobserbahan, ibig sabihin safe na ang Daddy nila at malalagpasan nito ang pinagdaraan ngayon.
***
Ngayong araw naka-schedule na ipasok sa ospital si Aubrey Miles dahil malapit na siyang ma­nganak.
Hindi pa niya masabi kung caesarian siya, pero sana normal deli­very raw.
Dumating na rito ang mommy ni Troy Montero galing Seattle, Washington para personal nitong bantayan ang panganganak ni Aubrey.
Malaking bagay itong pagdating ng mommy ni Troy para mapagaan ang panganganak ni Aubrey.
Feeling ni Aubrey, mas excited si Troy sa kanilang baby dahil la­laki ito. Hindi lang daw si Troy ang excited kundi ang buong pamilya ng Fil-Am actor dahil first apo at first pamangkin ito sa pamilya.

 

Microsoft Internet Explorer 7 EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES