NAMI-MISS ni Sunshine Dizon ang mga kasama niyang artista at production staff sa pelikulang Sundo na pinagbibidahan nila nina Robin Padilla at Katrina Halili.
Walang katotohanan na ayaw niyang makasama si Kat sa pelikulang iyon na prodyus ng GMA Films.
Ang saya-saya nila palagi sa set ng Sundo at doon niya napatunayan kung gaano kabait at down to earth si Katrina. Iba kasi ang nakarating sa kanya noon.
Kalog na kalog din daw si Mark Bautista na ang role dito ay driver niya.
Nalokah si Sunshine nang malaman niya na hindi marunong magmaneho si Mark ng manual o de kambyo. Automatic ang alam i-drive ni Mark at kaya sa una ay pakadyut-kadyot ang sasakyan nila.
Sa shooting ng Sundo natutong magmaneho ng manual si Mark Bautista.
Nakatsikahan namin si Sunshine sa contract signing niya bilang endorser ng Best Herbal Oil.
Nalaman din namin kay Sunshine na siya ang ikatlong artista na itatampok sa Obra.
Nakapag-taping na si Sunshine ng isang episode ng Obra na may titulong ‘Drama Queen’ kung saan si Yul Servo ang katambal niya under Maryo J. de los Reyes.
Natuwa si Shine na si Yul ang nakatambal niya dahil nagkasama rin sila noon.
Ang ilan pang episode na gagawin ni Sunshine sa Obra ay ‘Butch” (tungkol sa isang tomboy, under Direk Joel Lamangan), ‘Rosa Negra’ (ala Kirara, under Direk Jun Lana) at isang horror na mala-Exorcist under Direk Topel Lee.
***
Dinumog ng fans ang premiere showing ng Mag-ingat Ka Sa... Kulam noong Martes nang gabi sa Cinema 10 ng SM Megamall.
Sobra ang tensyon habang ipinapalabas ang pelikula. Bawat eksena yata ay may suspense at madalas nagtitilian ang mga manonood.
Napakagaling ni Juday sa Kulam. Mukhang pang-award na naman ito.
Maski si Dennis Trillo ay magaling at napaarte nang husto ni Direk Jun Lana. Same with Kris Bernal, huh!
Nabalitaan namin kagabi na blockbuster ang Kulam, na rated A ng Cinema Evaluation Board.
***
Nakikisimpatya kami sa pamilya Revilla sa malubhang kalagayan ni ex-Senator Ramon Revilla Sr., na nakaratay sa St. Lukes Medical Center sa Quezon City.
Ayon sa nakuha naming impormasyon ay inoobserbahan ito pero gising daw ang butihing ama ni Senador Bong Revilla at naigagalaw nito ang mga kamay.
Kamakailan lamang ay nagdiwang si Senador Bong Revilla ng kanyang kaarawan na dinaluhan ng maraming kaibigan sa showbiz at sa pulitika.
Nagkaroon pa ng mga intriga ang mga dumalong artistang babae na na-link sa guwapong Senador.
Dito rin sa party na ito namin nakilala nang personal ang Japanese actor na karay-karay ng kaibigang si Bernard Cloma.
Hindi namin alam na nandito pala sa Pilipinas ang mabait na Japanese.
Kaya raw siya madalas sa Pilipinas ay gumagawa ng mga showbiz project, lalo na ang pelikula. Mababait daw ang mga Pinoy kaya siya nawiwili siya rito.
Madalas mapanood si Jacky Woo sa Nuts Entertainment ng GMA 7.
|