Oct. 02, 2008 -Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
NEWS NEWS
HOME
HEADLINES EDITORIAL AND OPINIONS
Abante Online
ENTERTAINMENT
 

Richard, sweet na sweet kay KC

Alessandra, dedma sa debut ni Rhian

Jun Lalin
 

HANGGANG kaha­pon ay nasa Paris, France pa rin sina Ri­chard at Raymond Gutierrez kasama si KC Concepcion.
Sa kuwento sa akin ni Raymond, si KC ang luma­labas na ‘tour guide’ nila sa Paris.
Ilang taon din kasing nag-stay si KC sa Paris noong nag-aaral pa siya.
Bukod sa Eiffel To­wer, inilibot sila ni KC sa mga paborito nitong lugar sa Paris.
May isang café na madalas puntahan noon ni KC ang pinuntahan nila at nakita pa nila roon ang ilang mga dating kaklase ng dalaga.
May mga Pinoy from Paris ang nag-e-email sa akin para ikuwentong nakita nila sina KC, Richard at Raymond sa Paris.
Obvious daw na in love sa isa’t isa sina Ri­chard at KC.
Sweet daw ang da­lawa.
Sabi naman ng mga tao sa Vienna, Austria, kahit in public daw, sweet na sweet si Richard kay KC.
***
Nakilala ko na in person ang bagong inspiration ni Heart Evangelista, si Francisco.
Dumalaw ang binata sa commercial shoot ni Heart noong Martes. Very proud si Heart na ipinakilala sa akin ang binata.
Very charming si Francisco at napaka-gentle­man, no wonder at mukhang boto rito ang mommy ni Heart na si Mrs. Cecilia Ongpauco (na nasa set din nang dumalaw si Francisco).
Cute tingnan toge­ther sina Heart at Francisco dahil halos magka-height sila.
Mukhang hindi isyu kay Heart na medyo maliit si Francisco dahil napa­kabait ng binata.
Tawa lang nang tawa si Heart nang biruin ko siyang dapat palagi lang siyang naka-flat shoes kapag kasama ang binata dahil kung maghe-heels siya ay mas mataas siyang tingnan kesa kay Francisco.
Anyway, sa sanda­ling pakikipagtsikahan ko kay Francisco ay boto na rin ako sa kanya para kay Heart.
Niyaya ni Francisco na mag-dinner si Heart at pati mommy ng dalaga ay isinasama ng binata sa kanilang dinner, pero tumanggi si Mommy Cecilia dahil ayaw raw niyang tumaba.
Siyanga pala, si Heart ang special guest sa Dear Friend sa Linggo sa GMA 7. Kapareha niya rito si Dennis Trillo na noon pa nagsasabing matindi ang crush sa dalaga.
***
Dumalaw ako kahapon sa taping ng I ♥ Betty La Fea.
After ng pakikipagtsikahan ko kay Ruffa Gu­tierrez, nakita ko si Alessandra de Rossi.
“How’s GMA?” tanong ni Alessandra sa akin.
“The same pa rin,” sey ko sa kanya.
Kinumusta niya sa akin ang mga artista sa Siyete.
“Ok naman. May isang magde-debut sa Friday, ‘yung favorite star mo,” sey ko kay Alessandra, na ang tinutukoy ko ay si Rhian Ramos, na nakaalitan niya noon sa isang ta­ping at hindi na niya naka­bati pa.
Hindi na kumibo si Alessandra at ipinagpa­tuloy ang pag-aayos.
Nang paalis na ako sa taping ay nakasabay ko sa elevator si Deo Endri­nal, isa sa executives ng Dos.
Inusisa ko si Deo sa reklamo ng TFC subcribers na hindi nila napapanood ang I ♥ Betty La Fea.
“Inaayos pa kasi ‘yung rights. May Ugly Betty kasi sa Amerika, kaya hindi kaagad puwedeng ipa­labas ang Betty La Fea ni Bea (Alonzo). Pero sana, maayos.
“Kung saka-sakali, ngayong November mapapanood na rin sa TFC ang Betty La Fea,” sey ni Deo.
***
Walang taping ang Lalola bukas to give way sa debut ni Rhian Ramos.
Ang dinig ko, gaga­wing TV special ang debut party ni Rhian.
Si JC de Vera ang escort niya. Maraming GMA 7 stars ang kasali sa 18 candles and 18 roses.
Hindi lang ang Lalola ang walang taping. Pati ang Codename: Asero ay hindi magte-taping dahil karamihan sa stars ng show ay invited sa debut party ni Rhian.
Noong Martes lang nagsimulang magtawag ang handler ni Rhian para mag-imbita ng mga pwedeng mag-participate sa 18 candles and 18 roses.
***
For feedback, e-mail junlalin@gmail.com.

 

Microsoft Internet Explorer 7 EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES