SA wakas, may nakapag-uwi na ng P1M sa Gobingo ng GMA!
Ang home viewer na si Rodolfo Morales ay nanalo ng P1,150,000 sa panonood ng Gobingo.
Isang empleyado ng Makati City Hall si Morales na masugid na tagasubaybay ng programa.
Bukod sa nakatayang isang milyong papremyo, naghihintay pang maiuwi ng studio contestants ang isang bagong sasakyan na nagkakahalaga ng P1M.
Ang huling dalawang linggo ng Gobingo ay punung-puno ng sorpresa at naglalakihang papremyo.
Ngayong Huwebes, stuntmen ang studio contestants. At bukas (Biyernes), magtatagisan ang mga direktor na sina Soxie Topacio, Manny Castañeda at Mark Meily.
***
Ikaapat at huling episode na ni JC de Vera ang ‘Sintoy’ sa Obra ngayong gabi sa GMA 7.
Bulag, pipi at bingi ang karakter dito ni JC bilang Sintoy. Abnormal ang turing sa kanya ng mga kaanak.
Nakakulong siya sa basement ng bahay.
Magkakaroon ng liwanag ang madilim na buhay ni Sintoy nang makitira sa kanila ang dalagang si Christine (Rhian Ramos).
Dahil sa awa, ipapadama ni Christine kay Sintoy ang pagmamahal.
Makakalaya na ba Sintoy sa pagmamalupit ng kanyang mga kadugo?
Makakamtam na ba niya ang kaligayahang ipinagkait sa kanya ng tadhana?
Ang episode na ito ay idnirehe ni Maryo J. de los Reyes.
***
Nagpasilip ng betlog at bahagi ng kanyang kargada si Will Sandejas sa ikalawang isyu ng magasing Climax. 
Mas mapangahas kaya ang gagawin niya sa palabas nila ni Kristoffer King na Indie Boys: X-posed bukas (Biyernes) nang 9:30 PM sa Mankind Entertainment Bar, Sct. Ybardolaza St. cor. Timog Av. (tapat ng President Tower)?
“More on singing po ang gagawin ko sa show. Konting sexy lang. Hindi naman sila mabibitin,” sambit ni Will.
Magwe-wet look daw si Will. Magsusuot siya ng see-through?
“Parang ganu’n na rin ‘yun,” pakli ng 24-anyos na aktor, na lumabas sa mga pelikulang Sikil at Troika.
Kaya ba niyang mag-frontal nudity sa pelikula, pictorial o show?
“I don’t think so. Pwede namang maging sexy kahit nakadamit,” sabi ni Will.
Naku! Malamang na matalbugan siya ni Kristoffer na wala yatang limitasyon sa pagiging daring?!
“Hindi ako matatalbugan. Kahit maging daring siya, hindi niya ako matatalbugan,” sey pa ni Will.
Ang lamang daw ni Will kay Kristoffer ay talent.
Mas gusto nga ni Will sa ngayon ang singing career kesa mag-artista dahil enjoy siya sa pagkanta.
Ang tiket sa Indie Boys: X-Posed ay P500.
Para sa mga detalye, makipag-alam sa cell # 0923-649-1784.
***
Tampok sa ikalawang isyu ng Climax (P380) ang Indie Boys na sina Josh Ivan Morales, Kristoffer King, Will Sandejas, Gabz del Rosario, Harry Laurel at Andro Morgan.
Mabibili ito sa CV Magazines (The Landmark, Makati City), Filbars magazine stores at Dongskie (near Quezon Av. MRT and Cubao MRT)
***
Sa Sabado nang gabi na ang grand finals ng Boys of Illusion 2008 sa Manhunt Theater Bar na nasa tapat ng Pegasus sa Quezon Avenue, Quezon City.
Ang direktor ng palabas ay ang talent manager na si Jun Noya. Ang tiket ay P500.
|