Oct. 02, 2008 -Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
NEWS NEWS
HOME
HEADLINES EDITORIAL AND OPINIONS
Abante Online
HEADLINES
 
Text tax ‘di makaka-‘homerun’
Nina Rey Marfil at Rose Miranda
 

Kasabay ang prediksyong hindi makaka-homerun sa Senado ang text tax, inilarawan ni senador Francis ‘Chiz’ Escudero III na isang malaking patibong at batong ipupukpok sa ulo ng mga mahihirap ang buwis na sisingilin sa telecommunication companies bilang social responsibility sa pondong kakailanganin ng gobyerno sa edukasyon at kalusugan.
Ayon kay Escudero, mala-diktaturya ang polisiya ng gobyerno dahil puwersahang hinihingi sa mga may-ari ng telecommunications firms ang social responsibility gayong walang katiyakang malilibre sa panibagong buwis ang mamamayan.
“Hindi namin dapat... deregulated ang telecom industry at liberalized. Wala tayong guarantee at assurance na hindi iyan ipapasa sa subscribers,” ani Escudero, chairman ng Senate committee on ways and means.
Kasabay ang paglalarawang ‘kakambal’ ng value added tax (VAT) ang text tax, isa aniyang malaking batong ipupukpok sa ulo ng mamamayan ang planong ito ng Malacañang para mahanapan ng pondo ang edukasyon at kalusugan lalo pa’t walang depenisyon sa batas ito.
“Paano mo kakaltasan ‘yun? Anong tawag mo sa sinisingil? Bawas sa kaninong kita ‘yun? Anong karapatan mong bawasan ‘yun? At anong tawag mo sa kapangyarihan? Paano mo s’ya babawasan? Tax? Government share? Royalty?” nalilitong pag-usisa ni Escudero.
Kung forced contribution ang buwis at social responsibility ang gagamiting rason sa text tax, mas makatwiran aniyang idaan sa mga may-ari ng telecommunication company ang responsibilidad o pagdo-donate dahil maaring palihim na magpataw ng panibagong charges sa mga subscribers ang mga ito para mabawi ang mawawala sa kanilang bulsa.
“Anong definition ng tax, it is forced contribution. Kung social responsibility ‘yun eh ‘di i-donate na lang ng mga telcos. That’s a simple definition of a tax by whatever means, forced contribution,” ani Escudero.
Ngayon pa lamang, ibinigay ni Escudero ang pagboto ng kontra sa anumang buwis ipapataw sa mahihirap, katulad ng text tax kahit pa maka-homerun ang kanyang counter-part sa Lower House para maipasa ang panukalang batas.
“Not only will I vote against it, I will most likely defer taking it up until such time that the House acted on it. So dapat may probisyon na ‘di ito ipapasa sa consumers? Ang problema hindi mo magagawa ‘yun,” ani Escudero.
Samantala, inayawan ni National Economic and Development Authority (Neda) Director-General Ralph Recto ang panukalang tax on text sa kabila ng pagsuporta rito ng kasamahan sa economic team na si Budget Secretary Rolando Andaya.
Sa phone patch interview sa Malacañang, sinabi ni Recto, dating senador at kilalang may akda ng kontrobersyal na Value Added Tax (VAT) Law, na hindi na kailangan ang text tax dahil kung lumalaki ang kita ng mga telecommunications firms ay awtomatiko rin na lumalaki ang bayad ng mga ito sa buwis.
Ang kailangan uma­nong gawin ay paigtingin ng gobyerno ang tax reforms at ipatupad ang rasyonalisasyon sa fiscal incentives gayundin ang tulong ng Kongreso sa pamamagitan ng mga mas matapang na batas sa pagbubuwis.
Taliwas ito sa sinabi ni Andaya kamakalawa na opsyon ang text tax at mga dagdag na pagbubuwis kapag tuluyang ibinasura ng US Congress ang bailout plan.

 

Microsoft Internet Explorer 7 EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES