Oct. 02, 2008 -Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
NEWS NEWS
HOME
HEADLINES EDITORIAL AND OPINIONS
Abante Online
HEADLINES
 
China sinopla sa melamine scare
(Rey Marfil)
 

Inangalan kahapon ng ilang miyembro ng Senado ang panawagan ni Chinese Ambassador to Manila Song Tao na huwag maging over acting (OA) sa isyu ng milk scare partikular sa lumalawak takot sa lahat ng Chinese products.
Ayon kay Sen. Manuel Roxas II, chairman ng Senate committee on trade and commerce, walang exaggeration na nagaganap sa panig ng Philippine government, maging sa mediamen na nagre-report sa milk scare.
Sinopla ni Roxas ang paratang ni Song Tao laban sa pamahalaang Pilipinas, kasabay ang alegasyon nitong mas naunang nag-pull out ng Chinese dairy products sa merkado ang mga malalaking bansa.
Aniya, simpleng reaksyon lamang ang ginawang hakbang ng Pilipinas lalo pa’t kapakanan ng mga bata ang maaring masakripisyo sa kontaminadong gatas mula China, patunay ang dumaraming pagkamatay at pagkakasakit sa kanilang bansa bunga ng melamine.
“We must protect our people, it is our duty and our right. We’re not exaggerating. We are simply reacting to what has happened in China, three deaths, thousands of children tested positive, head of quality assurance fired, melamine syndicate caught,” ani Roxas.
Sa panig ni Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero III, chairman ng committee on ways and means, sinabi nitong dapat maunawaan ng China na obligasyon ng gobyerno at iba pang sektor ng lipunan na tiyakin ang kaligtasan ng mamamayan.
Hindi, aniya, kailangan magalit o mapikon ang kinatawan ng China sa Pilipinas dahil sensitibong usapin ang kontaminadong gatas at katungkulan ng gobyernong bigyan ng proteksyon ang mamamayan.
Sa kabila ng pagkapikon ng Chinese Ambassador, nilinaw ni Escudero na ‘welcome’ sa pamahalaang Pilipinas ang anumang tulong na ibibigay ng dayunang bansa para maresolba ang krisis sa gatas o milk scare.
“We welcome their help but they have to understand that we have to ensure and protect our people,” ani Escudero.
Sinabi naman ni Sen. Pia Cayetano na wala siyang nakikitang pagtatangka ng gobyerno at media na palakihin ang milk scare, katulad ng alegasyong over acting ang Pilipinas.
“With all due respect to the Chinese government I don’t see any attempt to exaggerate the situation or over-react to the melamine-tainted milk scare. Authorities are merely taking precautions based on documented cased of thousand of children getting sick in China,” anang lady solon.

 

Microsoft Internet Explorer 7 EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES