Oct. 02, 2008 -Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
NEWS NEWS
HOME
HEADLINES EDITORIAL AND OPINIONS
Abante Online
HEADLINES
 
Mahihirap ang tatamaan ng financial meltdown
(Bernard Taguinod/Rose Miranda)
 

Hindi ang mga negosyante ang matatamaan sa nangyayaring krisis sa ekonomiya ng mga bansa sa mundo sa pangunguna ng Estados Unidos kundi ang mga mahihirap.
Ito ang babala ni Nueva Ecija Rep. Edno Joson lalo na’t nagpaplano na ang economic managers ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na magpatupad ng bagong pagbubuwis upang maisalba ang ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Joson, kapag lumala ang krisis na ito, hindi maaaring hindi maapektuhan ang ekonomiya ng Pilipinas kung saan tatamaan ang mga negosyo sa bansa taliwas sa pahayag ng Malacañang.
Subalit ayon sa kongresista, hindi ang mga negosyante ang masasagasaan at maisasakripisyo kundi ang mga maliliit na taxpayers.
“Karaniwan, ang naisasakripisyo kapag may ganitong problema ay ang mga mahihirap. Sila kasi ang magbe-bailout sa mga negosyante sa pamamagitan ng dagdag na buwis,” ani Joson.
Samantala, aminado man na posibleng maapektuhan ang Pilipinas ng problemang pinansiyal ng Estados Unidos, iginiit ng Malacañang na nagtatrabaho ito ng todo upang mapigil ang epekto ng paghina ng ekonomiya ng mundo.
Binigyang diin ni Press Secretary Jesus Dureza na todo ang kayod ng Arroyo administration upang mapigil ang inflation, mapalakas ang banking system at maipagpatuloy ang paglago ng ekonomiya.
Ayon kay Dureza, pinalalakas ni Pangulong Arroyo ang lahat ng aspeto upang magkaroon ng tinatawag na safety net ang mga matinding tatamaan ng problema ng US.
“President Arroyo is working hard to make sure that food supplies remain stable and to put food on the table,” wika ni Dureza.
Kaugnay nito, inamin din ni Pangulong Arroyo sa kanyang talumpati sa Maskara Festival sa Bacolod City, na totoong nahaharap sa mahirap na sitwasyon ang Pilipinas at ang buong mundo.
“These are hard times. The government is averting the effects of a global economic slowdown brought about by the volatile economic situation,” ani Arroyo.
Sa kabila umano ng krisis ay patuloy na paiigtingin ng pamahalaan ang banking system, paunlarin ang estadong-pananalapi ng bansa pati na ang antas ng ekonomiya.

 

Microsoft Internet Explorer 7 EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES